Sulyapan Ang Masayang HoneyMoon Ng Mag-Asawang Jessy Mendiola At Luis Manzano Sa Mala Paraisong Isla Ng Amanpulo

Matatandaan na noong ika-21 ng Pebrero taong 2021 ng ikasal sina Jessy Mendiola at Luis Manzano, kung saan ang pag-iisang dibdib nga nilang ito ay ‘intimate’ lamang, na dinaluhan ng iilang mga piling bisita at kapamilya nila. Ang kanilang kasal ay naganap sa The Farm sa San Benito, na matatagpuan sa Lipa Batangas.




Samantala, matapos nga ang naging pag-iisang dibdib nina Jessy at Luis ay naudlot naman ang inaasahan nilang honeymoon ito nga ay dahil sa paglaganap ng [email protected] sa ating bansa.

Photo Credit: senorita_jessy/Instagram

Matapos naman ang naudlot na honeymoon nila, noon ngang ika-6 ng Agosto ay masayang ibinahagi ni Jessy Mendiola sa kanyang YouTube channel ang naging bakasyon at honeymoon na rin nila ng kanyanga asawang si Luis sa mala-paraisong Isla ng Amanpulo.

Photo Credit: senorita_jessy/Instagram

Ang isla ng Amanpulo ay espesyal para sa mag-asawa, dahil ang kanilang magagandang mga larawan sa naging prenup photo nila ay dito kinunan.

Photo Credit: senorita_jessy/Instagram

Makikita naman sa latest vlog na ito ni Jessy, ang kanyang naging pagpapasilip kung paano nilang mag-asawa ginugul ang kanilang oras sa nasabing isla. Tiniyak ni Jessy at Luis na sa honeymoon trip nga nila na ito sa mala-paraisong isla na ito ng Amanpulo ay ma-e-enjoy nila ang bawat sandali na sila ay naroroon.

Photo Credit: senorita_jessy/Instagram

Ang newly wed couple ay nanatili ng apat na araw sa Amanpulo. Ipinapasilip naman ni Jessy sa kanyang vlog ang araw-araw na pinagkakabalahan nilang mag-asawa sa pananatili nila sa isla, mula sa pagkagising nila sa umaga hanggang sa sumapit na nga ang gabi na sila ay magpapahinga na.

Photo Credit: senorita_jessy/Instagram

Hindi naman pinalampas nina Jessy at Luis ang matikman at ibida ang masasarap na pagkain sa Amanpulo. Nagtungo rin sila sa ipinagmamalaking beach ng isla, kung saan sa kabila ng masama ang panahon dahil sa may kalakasan ang hangin ay nagawa pa rin ni Jessy na ipamalas ang kanyang tagalay na kaseksihan at kagandahan sa suot niyang swimsuit.




Siyempre kitang-kita naman ang kasweeetan ng mag-asawa sa bakasyon at honeymoon nila na ito.

Tunay namang kamangha-mangha ang isla ng Amanpulo, at kahit sino man nga ang bumsita rito ay talagang mag-eenjoy at makakapagrelakas dahil sa taglay nitong napakagandang tanawin na tila nga isang Paraiso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *