Sulyapan Ang Masayang Mickey Mouse Theme Birthday Celebration Ng Baby Girl Ni Dani Barretto

Parang kailan lamang ng ibahagi ni Dani Baretto na siya ay nagdadalangtao, at tunay ngang napakabilis ng panahon, dahil kamakailan lamang ay ipinagdiwang na ng anak niyang si Baby Millie ang ika-2 taong kaarawan nito.




Sa Instagram account ni Dani Baretto ay kanyang ibinahagi ang naging masayang pagdiriwang ng ika-2 taong kaarawan ng anak niyang si Baby Millie. Sa kabila ng quarantine, ay nagawa nilang bigyan ng isang makulay na selebrasyon ang kaarawan ng kanyang anak, kung saan ito nga ay ginanap sa loob ng kanilang tahanan na may temang Mickey mouse.

Photo Credit: danibarretto/Instagram

Makikita sa mga ibinahaging larawan ni Dani, na kasama nila ang ilan sa mga kapamilya nila ng kanyang asawa sa pagdiriwang ng kaarawan ni Baby Millie. Dahil nga sa ang tema ng kaarawan ay Mickey mouse ay nakasuot nga sina Dani, at ang iba pang babaeng miyembro ng pamilya ng Mickey mouse headband.

Photo Credit: danibarretto/Instagram

Napakaganda naman ni Baby Millie sa suot nito, at tila naman talagang masaya ito sa mga nakikita niyang dekorasyonna Mickey mouse sa loob ng kanilang bahay na para nga sa kanyang kaarawan. Makikita rin sa isang larawan kung gaano titig na titig si Baby Millie sa kanyang napakagandang 3-tier cake na ang disenyo nga ay mickey mouse.

Photo Credit: danibarretto/Instagram

Kalakip naman ng mga larawan na ibinahagi ni Dani ay ang kanyang caption kung saan ay kanyang inilahad ang pagmamahal niya para sa kanyang anak, at kung gaano nga niya ipinagpapasalamat sa Diyos ang naging pagdating nito sa buhay nilang mag-asawa. Saad pani Dani, magmula ng isinilang niya si Baby Millie ay mas nagkaroon ng kahulugan ang buhay niya.

Photo Credit: danibarretto/Instagram

“And just like that, she’s now 2 years old! Where did the time go? Slow down a little Mill. Happy Birthday my Angel on earth! My life began the day you were born. You give meaning and purpose to our lives every day.

Photo Credit: danibarretto/Instagram

Oh Millie, there’s nothing we wouldn’t do for you. I love you my sweet girl! May you always need Mama, cause Mama will always need you. I love you!! I love you!! I love you!!!!!
#MillieTurns2 Thank you Tita Bing of @partystationphils for Millie’s balloons”, ang naging saad nga ni Dani sa kanyang IG post.




Ibinahagi rin ni Dani na nagkaroon ng dalawang selebrasyon si Millie sa ikalawang taong kaarawan nito. Pinasalamatan din ni Dani ang lahat ng mga tumulong at bumati para sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang anak. “I just want to thank everyone who made’s Millie 2nd birthday extra special! You made her so happy”, saad ni Dani.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *