Sulyapan Ang Masayang Pamilya Ng Dating Taekwondo Player Na Si Japoy Lizardo

Natatandaan niyo pa ba ang mahusay na Taekwondo Athlete na si Japoy Lizardo? Nakilala siya bilang isa sa mga pinakamagaling na Taekwondo player noon. Siya rin ay naging laman ng ilang commercials at advertisement ng MILO company kung saan siya ang madalas na nakalagay sa mga sachets at packs ng mga produkto nito.




Maliban pa sa pagiging commercial at advertisement model ng MILO company, ay pinasok rin noon ni Japoy ang mundo ng showbiz, kung saan ay napabilang siya sa Kapamilya network at nabigyan ng pagkakataon na mapabilang sa ilang mga proyekto sa nasabing network.

Photo Credit: japoy_lizardo/Instagram

Samantala, alam niyo ba na ang napakagwapo at mahusay na Taekwondo Athlete na si Japoy Lizardo ay mayroon ng sarili niyang pamilya ngayon?

Photo Credit: japoy_lizardo/Instagram

Si Japoy ay ikinasal noong taong 2016 kay Janice Lagman, na kapwa niya rin Taekwondo artist. Isang taon matapos nilang maikasal ay agad namang dumating sa kanilang buhay ang panganay nilang anak na isang baby boy na si Jace. At noon ngang nakaraang taong 2020, ay isinilang naman ni Janice ang ikalawang anak nila, at ito nga ay si Jevi na isa ring baby boy.

Photo Credit: japoy_lizardo/Instagram

Makikita sa ilang mga Instagram post ni Japoy ang madalas niyang pagbabahagi ng mga larawan ng kanyang mga anak, at talaga namang namana ng mga ito sa kanya ang kanyang angking kagwapuhan lalo na’t matangos ang mga ilong ng mga ito at may kutis ngang mapuputi.

Photo Credit: japoy_lizardo/Instagram

Ang panganay na anak ni Japoy na si baby Jace ay nasa tatlong taong gulang na ngayon, at kitang-kita na sa murang edad nito ay napakabibo na nito at napakatalino, lalo pa’t kahit napakabata pa lamang nito ay nasusundan nu baby Jace ang ilang mga Taekwondo moves na itinuturo ng kanyang ama sa kanya.

Photo Credit: japoy_lizardo/Instagram

Nais ni Japoy na bata pa lamang ay matuto na ang kanyang anak ng ilang mga Taekwondo moves, kaya naman sa murang edad nga nto ay tine-train na niya.

Photo Credit: japoy_lizardo/Instagram

Base naman sa Instagram post ng misis ni Japoy na si Janice ay sinisiguro umano ng Taewondo player niyang mister, na sa kabila ng mga pinagkakaabalahan nito sa buhay upang maitaguyod ang kanilang pamilya ay mayroon pa rin itong oras at panahon na mailalaan para maka-bonding ang kanilang panganay na si Jace, at maging ang magbantay sa kanilang bunsong anak na si Jevi.

Sa kasalukuyan ay nagta-taekwondo pa rin si Japoy. Sa katunayan nga ay madalas niyang i-represent ang Pilipinas sa ilang mga palaro sa loob at labas ng ating bansa.
Patuloy pa din ang pagiging endorser ni Japoy ng produkto ng MILO company, at maliban pa dito ay ilan pang mga kumpanya ang ineedorso din niya ang produkto.




Kahit nga abala sa kanyang karera si Japoy bilang isang Taekwondo athlete at endorser ng ilang mga kilalang produkto, ay isinasabay niya naman rito ang pagbibiga pokus nga niya sa pag-alaga sa kanyang dalawang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *