Sulyapan Ang Matamis Na Pag-Iibigan ng Soon-To-Be Mrs And Mr Na Sina Kris Bernal At Fiancée Niyang Si Perry Choi

Halos mahigt tatlong taon na rin na magkasintahan ang aktres na si Kris Bernal at chef na si perry Choi, at noon nga lamang nakaraang taon ay nagdesisyon na ang dalawa na ituloy na sa ‘next level’ ang kanilang relasyon at ito nga ay ang kanilang deisyon na magpakasal na sa isa’t isa.




Para nga sa kanilang nalalapit na pagg-iisang dibdib, ay nagkaroon ng tinatawag na ‘Save-The-Date-Video’ ang mag-Fiancée, kung saan ay ito nga ay kinunan at binigyang katuparan ng sikat na photography company na Nice Print Photography.

Photo Credit: krisbernal/Intagram

Nito nga lamang ika-17 ng Agosto ay ibihagi ng Nice Print Photography sa publiko sa pamamagitan ng kanilang social media account ang halos 3-minutong video nina Kris at Perry kung saan ay makikita nga ang tamis ng kanilang pag-iibigan.

Photo Credit: krisbernal/Intagram

Makikita nga sa naturang video, kung gaano ka-sweet sina Kris at Perry sa isa’t isa. Ang video nga na ito ng mag-fiancee ay teaser para sa nalalapit nilang kasal, ngunit wala namang idenetalye sa naturang video kung kailangan nga magaganap ang pag-iisang dibdib ng dalawa.

Photo Credit: krisbernal/Intagram

Samantala, sa mismong social media account naman ni Kris Bernal ay ibinahagi niya rin ang kanilang ‘Save-The-Date video”, at sa nilakip niyang caption ay nagbigay ‘teaser’ ang aktres sa kanyang mga tagahanga na ang exact date ng kanilang kasal ni Perry ay iaanunsyo niya sa kanyang YouTube channel.

Photo Credit: krisbernal/Intagram

Si Kris Bernal ay nasa edad 32 na ngayon, ngunit kitang-kita sa aktres na mas naging blooming pa at napakaganda nito ngayon na nangangahulugan nga lamang na masaya ang buhay pag-ibig nito sa piling ng kanyang mapapangasawang si Perry Choi.

Photo Credit: krisbernal/Intagram

Matatandaan na buwan ng Pebrero noong nakaraang taong 2020 ng ma-engaged sina Kris at perry sa isa’t isa. Noong mga nakalipas na buwan naman ay ibinunyag ni Kris Bernal sa publiko na dapat ay noong ika-5 ng Hunyo 2021 ang kanilang kasal ng kasintahan,

Photo Credit: krisbernal/Intagram

ngunit dahil nga sa naging paglaganap ng COV!d-19 sa ating bansa ay ito ay kinansela nila para na rin masiguradong mapanatili ang kaligtasan ng lahat ng mga mahal nila sa buhay.

Photo Credit: krisbernal/Intagram

“June 5, 2021. The day I was supposed to turn from Ms. Bernal to Mrs. Choi, and my supposed biggest day ever “, ang naging pahayag ni Kris noon ngang buwan ng Hunyo sa kanyang social media account.

Ayon nga sa aktres, dahil sa pagkakaroon ng napakaraming kaso ng COV!D-19 sa ating bansa, ay kinausap nila ang lahat ng mga mahal nila sa buhay, pati na rin ang kanilang supplier at napagkasunduan nga na upang masigurado ang kaligtasan ng lahat ay ipagpaliban muna nila ang kasal.

Inamin din ni Kris, na hindi naging madali ang desisyon na kanilang ginawa, lalo na nga’t nakahanda at plano na ag lahat para sa pinaka-espesyal na araw na sana na iyon ng kanyang buhay. dagdag pa niya, isa nga ito sa pinamahirap na naging desisyon niya sa kanyang buhay.




Sa kabila naman ng pagka-urong ng kasal nina Kris at Perry, ay sinigurado naman ng dalawa na darating din ang pinakatamang araw para sa kanilang pag-iisang dibdib na pareho na nga nilang kinapapanabikan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *