Sulyapan Ang Mga Larawan Ni Amy Perez Na Nagpapakita Ng Kanyang Walang Kupas Na Karisma At Ganda

Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Amy Perez, o mas kilala nga ng madlang pipol ngayon bilang si Tiyang Amy ng Kapamilya noontime show na “It’s Showtime”. Maliban sa pagiging isang TV host, ay naging popular at hinahangaan na aktres at radio presenter din si Amy Perez.




Marahil sa mga masugid na tagasubaybay ni Tiyang Amy, mula ng siya’y mag umpisa sa kanyang karera sa telebisyon, ay mapapansin na mula noon hanggang ngayon, ay wala pa ring pagbabago sa veteran TV host-actress, dahil sa taglay pa rin nito ang kanyang angking ganda at karisma.

Photo Credit: amypcastillo/Instagram

Kamakailan nga lamang, ay sumabak sa “I’m Just a Kid” challenge si Tiyang Amy, kung saan ay kanyang ipinakita muli sa madlang pipol ang kanyang mga throwback photo na muling nagpakita ng kanyang kabataan.

Photo Credit: amypcastillo/Instagram

Samantala, sa bawat throwback photo ni Tiyang Amy ay makikita nga na noon pa man ay ‘short hair’ na talaga ito. At ang pinaka napansin nga ng kanyang mga co-host sa It’s Showtime, ay ang wala pa rin talagang kupas na ganda ni Tiyang Amy, dahil base sa mga larawan ay tila nga walang nagbago sa itsura nito noon at ngayon, kahit na nga ba ito ay nagkaka-edad na rin.

Photo Credit: amypcastillo/Instagram

Si Amy Perez ay nag umpisa ng kanyang karera sa industriya ng showbiz taong 1986, kung saan ay una siyang nasilayan ng madlang pipol bilang isa sa mga regular na fixture ng “Kalatog Pinggan”, isa sa mga regular variety noontime show noon.

Photo Credit: amypcastillo/Instagram

Ilan pa sa mga programa ng ABS-CBN na kanyang kinabibilangan ay ang “Isang Linggo na Po Sila”, ang noontime show na napapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, at ang “Sa Linggo na Po Sila”, na mapapanood naman tuwing weekend.

Photo Credit: amypcastillo/Instagram

Naging parte din noon si Tyang Amy, ng popular na noontime show ng ABS-CBN na “Magandang Tanghali Bayan”.

Photo Credit: amypcastillo/Instagram

Hindi nagtagal, dahil napatunayan ni Tiyang Amy ang kanyang pagiging isang mahusay na TV host, ay binigyan siya ng pagkakataon na magkaroon ng kanyang sariling show. Ito nga ay ang programa noon na MRS at ang “The Singing Bee”, isa sa mga naging game show din noon ng Kapamilya network.




Matatandaan rin na noon ay naging dependable current affairs personality din si Tiyang Amy, kung saan ay napabilang siya sa service-oriented show na Swak na Swak at Kapamilya morning news program na “Umagang Kayganda.”

Pagdating naman sa kanyang pagiging isang aktres, ay napanood natin siya noon sa mga seryeng “Sa Dulo ng Walang Hanggan”, “Gulong ng Palad” at “Only You.” Napabilang rin noon si Tyang Amy sa iconic sitcom na”Palibhasa Lalake”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *