Sulyapan Ang Mga Larawan Ni Iwa Moto Sa Kanyang Maternity Photoshoot Kung Saa Ibinida Ang Kanyang Baby Bump

Usong-uso nga ngayon sa maraming mga kababaihan na nagbubuntis ang magkaroon ng maternity photo shoot. Ito kasi ang siyang ang nagsisilbing momento ng isang ina, na kanyang babalik-balikan upang alalahanin ang mga panahon, kung saan ay minsang dumaan sa kanyang buhay ang magkaroon ng isang sanggol sa kanyang sinapupunan.




Ilan nga sa mga game na game na sumabak sa mga maternity photoshoot, ay ang mga pregnant celebrity mom.

Photo Credit: iam_iwa/Instagram

Tila naging bahagi na nga ng pregnancy journey ng mga celebrity mommy ang magkaroon ng maternity photo shoot, kapag sila ay nagbubuntis. Ito nga ay upang ibahagi sa lahat ang masayang kaganapan at biyayang kanilang natanggap bilang isang babae, o di kaya naman ay upang ibida ang kanilang baby bump.

Photo Credit: iam_iwa/Instagram

Samantala, isa nga sa mga celebrity mom ngayon, na sumabak sa maternity photo shoot ay ang aktres na si Iwa Motto, kung saan kamakailan nga lamang ay ibinida niya sa kanyang mga larawan, ang kanya ng lumalaking baby bump.

Photo Credit: iam_iwa/Instagram

Kasalukuyan ngang ipinagbubuntis ngayon ni Iwa ang ikalawang anak nila ng kanyang partner na si Pampi Lacson.  Sa Intsagram ng aktres, ay ibinahagi niya ang ilang mga larawan na kuha sa kanyang naging maternity photo shoot, kung saan ay makikita nga ang kanyang baby bump.

Photo Credit: iam_iwa/Instagram

Napakasimple nga lamang ng naging konsepto ng maternity photo shoot ni Iwa. Kung saan, isa sa kanyang mga nakaka-aliw na larawan, ay ng siya ay nakaupo at umaaktong kumakain ng cookie, habang ipinapakita ang kanyang baby bump.

Photo Credit: iam_iwa/Instagram

Caption naman ni Iwa sa mga larawan na kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram ay;
“I am blessed. Thank you, Lord for giving us this wonderful gift.”

Photo Credit: iam_iwa/Instagram

Samantala, batid na nga ng marami sa atin na ang magiging ikalawang baby nina Iwa at Pampi, ay isang baby boy, ito ay matapos ibunyag ng mag-partner sa isang gender reveal party ang kasarian ng kanilang expecting baby.

Matatandaan naman na ika-23 ng Hulyo taong 2020, ng ibahagu ni Iwa sa kanyang Instagram na sila ng partner niyang si Pampi Lacson, ay magkakaroon na ng ikalawang anak, at ito ay sa pamamagitan ng pag-post niya ng sonogram photo ng kanyang ipinagbubuntis.

“Hello three little one… We are all excited to meet you… But for now, chill ka muna dyan. Magpalaki ka at magpalakas. Wag mo na pahirapan si mommy ha.. Love you.” Ang naging caption ng ani Iwa, noong ibahagi niya ang kanyang pagbubuntis.

Excited na nga ang buong pamilya nina Iwa at Pampi, sa pagsilang ng bagong miyembro ng kanilang pamilya.




Maliban nga sa expecting baby na ito nina Iwa at Pampi, ay mayroon na silang naunang anak, at ito ay ang panganay nilang si Hiromi Aiko Eve, na isinilang noong buwan ng Setyembre taong 2013, at ngayon ay pitong taong gulang na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *