Sulyapan Ang Mga Larawan Ni Rodjun Cruz Habang Masayang Inaalagaan Ang Kanilang Anak Na Si Baby Joaquin

Setyembre ng nakaraang taong ng sinalubong ng mag-asawang Rodjun Cruz at Diane Medina ang pagdating ng kanilang panganay na anak, na si baby Joaquin o Rodolfo Joquin Diego Medina Illus. At ang pagdating ng naturang sanggol sa kanilang buhay, ay talaga namang itinuturing nilang malaking blessings para sa pagsasama nilang mag-asawa.




Tunay ngang iba ang nararamdaman ng isang magulang, kapag nasisilayan niya ang kanyang anak. Lalo na kung nasubaybayan ng mga ito ang paglaki ng kanilang sanggol.

Photo Credit: rodjuncruz/Instagram

Katulad na lamang ng ng kasiyahan na nadarama ng aktor na si Rodjun Cruz sa tuwing kanyang kalong-kalong at inaalagaan ang anak nilang si baby Joaquin.

Photo Credit: rodjuncruz/Instagram

Talaga nga namang kayganda sa paningin ng masasayang larawan ng mag-ama, na ibinahagi ng aktor sa kanyang social media account. Kung saan ay makikita nga rin ang kyut na kyut ng si baby Joaquin, na ngayon ay nasa ika-4 na buwan na.

Photo Credit: rodjuncruz/Instagram

Makikita nga sa Instagram account ni Rodjun, kung gaano nakakagigil sa kakyutan ang kanilang anak ng asawang si Diane Medina. At dahil nga sa talaga namang napaka-kyut ng mukha ni baby Joaquin, ay maraming netizens ang talagang naaliw dito, at ang iba nga ay sinabi pa na kamukha ni Diane Medina ang anak nilang mag-asawa.

Photo Credit: rodjuncruz/Instagram

Matatandaan naman, na noon ay nauna ng sinabi ni Dianne, na mas kamukha ng kanilang anak, ang kanyang asawang si Rodjun. Hindi naman kataka-taka na maging napaka-kyut ni baby Joaquin, lalo pa nga’t napakaganda ng lahi ng kanyang mga magulang.

Photo Credit: rodjuncruz/Instagram

Kitang-kita naman sa mga larawan at videos ng mag-ama, kung gaano kasaya si Rodjun habang inaalagaan niya ang kanilang anak. At para nga sa aktor, ay talagang napaka-grateful niya sa kanilang panganay na anak.

Photo Credit: rodjuncruz/Instagram

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rodjun Cruz Ilustre (@rodjuncruz)

Samantala, kahit sanggol pa nga lamang si Joaquin ay mayroon na itong mga endorsements shoot na ginagawa, kaya naman panigurado na sa paglaki nito, at naisin ding pasukin ang mundo ng showbiz na kinabibilangan ng kanyang mga magulang, ay hindi na ito mahihirapan pa.




Ikinasal sina Rodjun Cruz at Diane Medina noong Disyembre taong 2019, at kahit pa nga kakasal lamang nila, ay madalas na nilang sinasabi sa kanilang YouTube videos, na nais na nilang magkaroon ng anak. Kaya naman, sagot sa panalangin nila ang pagdating ni baby Joaquin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *