Sulyapan Ang Mga Nakaka-Aliw Na Larawan Ng Anak Nina Dingdong Dantes At Marian Rivera Na Si Ziggy

Kabilang sa mga celebrity couple sa showbiz na talaga namang hinahangaan ng marami dahil sa tibay ng kanilang pagmamahal ay ang real life couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.




Matatandaan na bago naging mag-asawa ang dalawa, ay una muna silang nagsama bilang on-screen partner sa Kapuso serye noong taong 2007 na “Marimar”, kung saan ay pumatok angk kanilang tambalan sa napakaraming mga manonood dahil sa kilig at chemistry nilang dalawa.

Photo Credit: dongdantes/Instagram

Ang nakakakilig at puno nga na pagmamahalan na love story nina Marian at Dingdong ay nagsimula sa “Marimar”.

Photo Credit: dongdantes/Instagram

Halos mahigit isang dekada na nga ang lumipas mula ng magkakilala at magsimulang magmahalan ang popular na celebrity couple, ngunit sa kabila ng napakarami ng taon ang lumipas, ay patuloy pa rin na maaninag kana Dingdong at Marian, ang kilig at labis na pagmamahal nila sa isa’t isa.

Photo Credit: dongdantes/Instagram

Sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, ay ikinasal noong taong 2014, kung saan ito nga ang isa sa pinaka-engrandeng kasalan ng nasabing taon.

Photo Credit: dongdantes/Instagram

Isang taon mahigit nga lamang matapos ikasal ng dalawa, ay agad silang nabiyayaan ng sanggol, at ito nga ay ang kanilang panganay na anak na babae, na si Zia o Maria Letizia, na ngayon nga ay 5-taong gulang na. Tulad ng kanyang mga magulang ay talaga namang artistahin looks din si Zia, na kitang kita na nga kahit sa murang edad niya pa lamang.

Photo Credit: dongdantes/Instagram

Nagkaroon muli sina Marian at Dingdong ng kanilang ikalawang anak, at ito nga ay si Ziggy o Jose Sixto G. Dantes IV, na hindi naman nagpapahuli ang hitsura, dahil tulad ng kanyang ama, ay talaga namang bata pa lamang ito ay kitang kita na ang angking karisma at kagwapuhan nito, na paniguradong kakikiligan ng marami kapag siya’y nagbinata na.

Photo Credit: dongdantes/Instagram

Sa Instagram account nga ng mag-asawa, ay madalas na nagbabahagi sila ng mga larawan nilang magpamilya, o di kaya naman ay larawan ng kanilang mga anak na sina Zia at Ziggy.

Photo Credit: dongdantes/Instagram

Noon ngang ika-9 ng Marso, ay nagbahagi sina Marian at Dingdong ng larawan ni Ziggy sa kanilang Instagram account, kung saan ay umani ang nasabing larawan ng kanilang kyut na anak ng napakaraming positibong reaksyon at komento dahil sa nakyutan at nagwapuhan talaga ang maraming mga netizens sa kanilanga anak na si Ziggy.




“Ang pogi naman ni Sixto” “Ah so ganito pala ang hitsura ni Marian kung lalaki siya.”
“Hay nakaka-inlove ka poging sixto” “Grabe ka gwapo” “Wow ampogi po ng anak mo miss Marian.”

Si Ziggy nga ay magdadalawang taong gulang pa lamang ngayong darating na buwan ng Abril, dahil ito’y isinilang noong ika-16 ng Abril taong 2019.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *