Sulyapan Ang Naging Bakasyon Nina Vicki Belo At Asawang Si Hayden Kho Kasama Ang Kanilang Anak Na Si Scarlet Sa Africa

Lumipad patungong Kenya, Eastern Africa ang mag-asawang Vicki Belo at Hayden Kho Kasama ang nag-iisa nilang anak na si Scarlet Snow, bago pa man matapos ang taong 2020. Ito ay upang sa naturang bansa, salubungin ang panibagong taon, 2021.




Nakasanayan na ng pamilya nina Hayden at Vicki, na taon-taon ay nag ay nagta-travel sila abroad, ngunit sa taong 2020, ay hindi nila ito nagawa, matapos nilang manatili ng halos 9 na buwan sa loob lamang ng kanilang tahanan, upang makaiwas at mapanatili ang kanilang kaligatasan sa kalusugan.

Photo Credit: victoria_belo/Instagram

At ngayon nga na bago matapos ang taong 2020, ay nagkaroon na ng pagkakataon ang pamilya, na muling makapagbakasyon kasama ang ilan nilang mga kaibigan.

Photo Credit: victoria_belo/Instagram

Sa Masai Mara, sa bansang Kenya, Easter Africa nga napili ng mag-asawang Vicki at Hayden, dahil sadya nga namang napakaganda ng naturang lugar, at masisilayan pa rito ng kahanga-hangang wild life. Dahil sa taglay na ganda ng lugar, ay talaga namang nag-enjoy at nag-relax ang pamilya.

Photo Credit: victoria_belo/Instagram

Maliban nga sa masayang bakasyon na ito, upang salubungin ang taong 2021, kung saan muling makakabuo ang pamilya ng masayang ala-ala, ay ipinagdiriwang din ng mag-asawang Vicki at Hayden, ang selebrasyon ng kanilang ika-15 taong pagsasama bilang mag-asawa, na sa kabila dumaan sa pagsubok ay nanatiling matatag, at masaya.

Photo Credit: victoria_belo/Instagram

“After 15 years of being together the fire continues to grow. I love you, @victoria_belo”, ang naging caption nga sa post ni Hayden.

Photo Credit: victoria_belo/Instagram

“As they say, be with someone who is both home and adventure all at once. Grateful for you every day, @dochayden”, ang naging pahayag at pagbati naman ni Dra. Vicki Belo para sa kanyang asawa.

Photo Credit: victoria_belo/Instagram

Samantala, maging ang anak nina Dra, Vicki Belo at Hayden Kho, na si Scarlet Snow, ay inihayag rin ang kanyang pagkasabik sa bakasyon. Sa kanya ngang post, ay ibinahagi ng bata, kung gaano siya ka-excited na salubungin ang taong 2021, sa Kenya, at gumamit pa nga siya ng hashstag #KenyaHandle2021.

Photo Credit: victoria_belo/Instagram

“2021 is coming closer and closer [I can already see it through my telescope!] I know its going to be better because people like us will be kinder and more prayerful. Do you agree?”, saad nga ni Scarlet.

Sa mga ibinahagi namang larawan ng pamilya, ay makikitaj na talagang nag-enjoy sila sa kanilang bakasyon, kung saan ay bawat isa nga sa kanila, ay kakikitaan na may hawak-hawak na camera, upang makunan nila ng larawan, ang bawat tanawin sa wild life na kanilang nakikita.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo)

Makikita rin na may hawak hawak na telescope si Scarlet, upang kahit siya ay medyo nasa kalayuan, sa pamamagitan ng telescope ay makikita niya ng malapitan ang mga wild animals tulad na lamang ng zebra at giraffe.




Sweet na sweet naman ang mag-asawang Hayden at Vicki sa ilang mga larawan nila.
“Being surrounded with nature and this beautiful scenery truly brings out loving feelings for each other.”

Napakaganda ngang pagmasdan ang masayang pamilya na ito, sa kanilang enjoy na bakasyon, lalo na at ang napakaganda at kahanga-hangang tanawin ang kanilang natatanaw sa lugar na kanilang pinagbakasyunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *