Sulyapan Ang Naging First Out Of The Country Ng Mag Asawang Vic Sotto At Pauleen Luna

Sa kabila ng patuloy pa rin nating nararanasan ang krisis, ay unti-unti na ring bumabalik sa normal ang buhay nating lahat, ito ay matapos nga ang halos dalawang taon din na namuhay tayo ng puno ng mga restriksyon dahil nga sa krisis na lumaganap hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo.




Ngayon ay mapapansin nga na unti-unti ng gumaganda ang sitwasyon sa iba’t ibang panig ng mundo, kaya naman pinahihintulutan na din ang paglalakbay at pamamasyal ng mga bata kasama ang kanilang mga magulang. Dahil dito, ang celebrity couple na sina Vic Sotto at Pauleen Luna ay hindi rin pinalampas ang pagkakataon na makapag bakasyon sa ibang bansa kasama ang kanilang anak na si Tali.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

Lumipad patungong Singapore noong nakaraang buwan ng Hunyo ang Eat Bulaga host na si Vic Sotto kasama ang misis niyang si Pauleen Luna at ang kanila ng ang nag-iisang anak na si Tali. Ang bakasyon nilang ito, ay talaga namang espesyal sa pamilya, dahil ito ang kauna-unahang pagbabakasyon nilang mag-asawa sa ibang bansa na kasama na nila ang kanilang anak magmula nga ng magkaroon ng krisis.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

Talaga namang sinulit ng pamilya ang bakasyon nilang ito sa Singapore, at isa nga sa mga hindi nila pinalampas na puntahang lugar sa nasabing bansa ay ang Universal Studios, kung saan ay talaga namang inilaan nina Pauleen at Vic ang kanyang oras upang mailibot nila ang anak niyang si Tali sa theme park nito.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

Bakas naman kay Tali ang kanyang kasiyahan sa naging pamamasyal at paglilibot niya sa theme park ng Universal Studios sa Singapore. Ayon pa sa IG post ni Pauleen, isa sa mga binabalik-balikan ng anak niyang si tali ay ang mascot ng kilalang karakter na ‘minions’.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

Dagdag pa ni Pauleen, talagang na-amaze si Tali ng makita niya ang mga mascot ng kanyang paboritong palabas, at mas lalo pa ngang nasiyahan ng makasayaw niya ang mga ito.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

Hindi lamang naman si Tali ang nag-enjoy sa Singapore, dahil maging ang kanyang mga magulang na sina Vic at Pauleen ay makikita ring nag-enjoy at game na game ngang sinamahan ang kanilang anak sa mga naging adventures nito sa theme park.

Aminado naman si Pauleen na napagod silang mag pamilya sa naging bakasyon nila, dahil sa loob ng limang araw ay sunod-sunod ang kanilang naging pamamasyal. Ngunit sa kabila ng pagod, ay masasabi naman nilang sulit ito dahil sa nag-enjoy silang mag-asawa, at mas lalo na nga ang anak niyang si Tali.




Bilang mga magulang ay doble naman talaga ang kasiyahan nina Pauleen at Vic na makita ang anak niyang si Tali ay sobrang nag-enjoy at nasiyahan sa kanilang naging masayang bakasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *