Sulyapan Ang Naging Kaganapan Sa 15th Wedding Anniversary Ni Patricia Javier At Asawang Si Rob Walcher

Dahil sa ilang taong pagiging matatag ng kanilang pagsasama, ay pinili ng mag-asawang Patricia Javier at Dr. Rob Walcher, na maging “Vikings’, ang tema ng selebrasyon ng kanilang ika-15th wedding anniversary.




Labing-limang taon na ngang mag-asawa sina Patrcia Javier, at ang asawa nitong chiropractor American na si Dr. Rob Walcher, kaya naman kanila ng ipinagdiwang ang kanilang crystal wedding anniversary.

Photo Credit: patriciajavier1/Instagram

Noon ngang ika-27 ng Disyembre 2020, araw ng Sabado ay ginanap ang selebrasyon ng ika-15th wedding anniversary ng mag-asawa. At ang pagdiriwang nito, ay naganap sa mismong tahanan ng mga magulang ni Patricia sa Antipolo City.

Photo Credit: patriciajavier1/Instagram

Masasabi ngang simple lamang ang naging pagdiriwang na ito ng mag-asawa ng kanilang 15th wedding anniversary. Dahil nagkaroon lamang sila ng pictorial, kung saan ay kasama nilang mag-asawa, ang kanilang dalawang anak na lalaki, na sina Robert IV at RJ.

Photo Credit: patriciajavier1/Instagram

Sa kabila ng pagiging simple ng nasabing okasyon, ay naging meaningful naman ito, dahil sa ipinagdasal ni Reverend Pastor Romy Canlapan, ang pagsasama ng mag-asawa, na mas lalo pa itong punuin ng pagmamahalan at patatagin pa.

Photo Credit: patriciajavier1/Instagram

Makikita naman sa mga larawan na kuha sa kaganapan ng 15th wedding anniversary nina Patricia at Rod, na ang naging tema nito ay “Vikings”. Ito umano ay dahil sa adventurous, brave, unstoppable, courageous, at malaki ang pagpapahalaga ng Vikings sa pamilya.

Photo Credit: patriciajavier1/Instagram

Pinasalamatan naman ni Patricia, si Regine Tolentino, dahil sa ito ang nagpahiram sa kanila ni Rob, ng mga Vikings costume na kanilang ginamit sa pictorial na naganap sa nasabing okasyon.

Photo Credit: patriciajavier1/Instagram

Ibinahagi naman ni Patricia, na ang naging selebrasyon nila ng 15th wedding anniversary nilang mag-asawa, ay talagang pang-pamilya lamang. Hindi umano sila nag-imbita ng iba pang mga bisita, para na rin sa pagsunod nila sa ipinatutupad na health and safety protocols ng Inter Agency Task force on Emerging Infectious Diseases.

Photo Credit: patriciajavier1/Instagram

Unang ikinasal sina Patricia at Rob, noong ika-27 ng Disyembre taong 2005, sa country court ng San Diego California. Dalawang buwan, ang lumipas matapos ang kanilang kasal, ay isang sorpresa ang ginawa ni Patricia para kay Rob, ng muli silang ikasal sa bahay ng isa nilang kaibigan.

Photo Credit: patriciajavier1/Instagram




Si Patricia Javier, ay isang aktres na nagningning ng husto ang karera sa showbiz, noong late 90’s hanggang early 20’s. At hanggang ngayon, sa kabila ng pagkakaroon na nito ng pamilya, ay nanatili pa rin si Patricia sa indutsriya ng showbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *