Sulyapan Ang Naging Masayang Pagbabakasyon Ni Bossing Vic Sotto Kasama ang Kanyang Buong Pamilya Sa Baguio

Kamakailan nga lamang ay tila nagkaroon ng isang family reunion ang pamilya ni Bossing Vic Sotto, ito nga ay matapos nilang magtungo ng kanyang buong pamilya sa isang bakasyon sa napakaganda at napakalamig na lugar ng Baguio.




Sa bakasyon kasi na ito ay kasama ni Bossing Vic ang kanyang asawang si Pauleen Luna at anak nilang si Tali. Maliban pa dito, ay kasama rin nila ang mga anak niya sa kanyang dating asawang si Dina Bonevie, na sina Oyo Boy Sotto at Danica Sotto, kung saan kasa-kasama rin ng mga ito ang kani-kanilang pamilya.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

Dahil noon ngang summer ay talaga namang naramdaman ng marami sa atin ang napakainit na panahon ay tanging ang nais natin ay ang makapag-relaks sa isang malamig na lugar na mayroong magandang tanawi. Kaya naman para sa espesyal na araw n pagsasama-sama nina Bossing at ng kanyang pamilya, ay nagtungo sila sa isang nakaka-relaks na malamig na lugar at ito nga ay sa Baguio, ang tinaguriang “Summer Capital of the Philippines.”

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

Ang pamilya ni Bossing Vic Sotto ay tumuloy sa isang napakagandang lodge house, kung saan ay talaga namang nakakamangha ang kapaligiran dahil sa hindi makapigil hiningang tanawin na nakapaligid dito na tanaw nga mula sa kanilang kinaroroonan.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

Maliban sa magandang view na matatanaw sa labas ng kanilang tinutuluyang house lodge, ay nakakamamangha rin ang loob nito, dahil maliban sa napakaganda at nakakarelaks ay kumpleto rin ito sa mga kagamitan, kung saan ay naisin man nilang magluto ay puwedeng puwede.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

Ang mag-asawang Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa, ay makikita na naging abala sa pag-iihaw ng ‘steak’ para sa kanilang hapunan. Samantala, si Baby Tali naman naanak ng mag-asawang Bossing Vic at Pauleen ay makikitang abala sa pakikipagkulitan at pakikipaglaro sa kanyang mga pamangkin na anak nga nina Danica, at Oyo.

Makikita nga sa mga larawan ng pamilya, na talaga namang nag-enjoy sila sa kanilang naging bakasyon. Sweet na sweet nga sa mga larawan ang mag-asawang Danica Sotto at Mark Pingris, kasama ang kanilang mga anak. Ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna ay hindi rin naman magpapahuli sa ka-sweetan, at nagpa-picture pa nga ang mag-asawa sa isang napakagandang lugar sa Baguio.




Maliban sa pagiging kilala ng Baguio, bilang isa sa mga lugar sa ating bansa na mayroong malamig na klima, ay kilala at popular din ang lugar na ito sa pagho-horseback riding, kaya naman isa rin ang mga ito sa sinubok ng pamilya Sotto.

Kahit naman nasa bakasyon, ay hindi pa rin mawawala sa mga Sotto girls ang kanilang pag-eehersisyo, kaya naman nagkaroon pa sila ng enjoy at napakasayang Zumba time. Ang mag-ama namang Vic Sotto at Baby Tali ay makikita na enjoy na enjoy sa kanilang bonding moments.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *