Sulyapan Ang Nakakamangha At Bonggang Bonggang Appliances At Utensils Sa Kitchen Ng Aktres Na Si Janice De Belen

Maliban sa pagiging isang mahusay na aktres ay ibinahagi ni Janice de Belen na mayroon rin siyang itinatagong talento sa pagluluto. Kaya naman dahil sa hilig niya talaga ang magluto, ay isa sa mga bonggang bahagi ng kanyang tahanan ay ang kanyang paboritong tambayan at ito nga ang kanilang kusina o kitchen.




Kamakailan nga lamang ay gumawa ng kanyang sariling vlog si Janice, ito ay upang dito na ipakita at ibahagi sa iba ang kaalaman niya pagdating sa pagluluto ng iba’t ibang masasarap na pagkain.

Image Credit via YouTube

Sa mga hindi pa na makakabuti sa atin, ang aktres ay kumuha ng kursong Culinary Arts sa Center for Asian Culinary Studies sa ilalim ng pagtuturo ni Chef Gene Gonzales. Sa ngayon nga ay mayroon na rin siyang isang food business, kung saan ito nga ay kanyang tinawag na “Kitchen of Super Janice.”

Image Credit via YouTube

Matatandaan naman na sa isang panayam noon kay Janice, ay kanyang ibinahagi na bata pa lamang siya ay may kaalaman na siya sa pagluluto, dahil sa silang magkakapatid ay tinuruan ng kanilang ina ng iba’t ibang gawain sa bahay kabilang na nga ang magluto ng pagkain.

Image Credit via YouTube

Samantala, nito nga lamang nakaraan sa kanyang YouTube vlog ay ibinida ni Janice ang kanyang kusina sa loob ng kanyang tahanan, kung saan ay makikita nga na ito ay talagang nakamamangha hindi lamang sa laki at lawak nito kundi mas lalo sa mga appliances at mga kagamitang pang kusina na makikita dito.

Ayon nga sa aktres, noon ay ayaw na ayaw niya na natabunan ng tela ang kanyang mga kagamitan, ngunit dahil sa sobrang dami na nga nito bandang huli ay naisipan niya na rin na ito’y tabunan upang maiwasan na rin na maalikabukan ito na maaaring maging dahilan ng pagkasira ng kanyang mga kitchen appliances.

“Importante kasi sa akin na nakikita ko ‘yung mga gamit ko. Kasi kong di ko makikita, hindi ko maalala na nandyan siya”, ani Janice. Dagdag pa niya, kapag nakikita niyang naka-display ang kanyang mga gamit ay agad niya itong nakikita at nakukuha kapag kinailangan na niya at hindi na nga niya kailangan pa mag-uto sa kanyang kasambahay para hanapin kung ano man ang kagamitan na kailangan niya sa kusina.

Ilan nga lamang sa mga makikitang kagamitan sa kusina ng aktres ay ang iba’t ibang klase ng electric kitchen appliances kagaya na nga lamang ng pasta maker, ice cream maker, grillers, at steamers na tila nga talaga namang mga mamahalin ang presyo dahil sa pagka-heavy duty ng mga ito.

Maliban nga sa kanyang mga kagamitang pang kusina, ay ipinasilip rin ni Janice ang kanyang pantry area, kung saan nga makikitang naka-display ang mga ingredients at supply na ginagamit niya sa pagluluto.

Video Credit: Janice De Belen/YouTube

Kapansin-pansin naman na dalawa ang refrigerator ng aktres, at ayon nga sa kanya kaya dalawa ang mga ito dahil hinihiwalay niya ang mga dairy products sa ibang mga ingrediets niya. Ito nga ay dahil ang ibang dairy products ay madaling mapanis, kagaya na nga lamang ng cheese at butter.




“You have to know what you have. Minsan, I have to remember what I have. It’s always important for me to review”, ang naging payo naman ni Janice bago niya tinapos ang kanyang vlog. Tunay ngang kamangha-mangha ang kitchen ni Janice dahil sa ito’y mahahalintulad sa kusina ng isang tunay na chef.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *