Napakasarap naman talaga sa pakiramdam kapag ang perang iyong pinaghirapang kitain ay makikita mong napunta sa isang bagay na alam mong mapapakinabangan mo at ng iyong pamilya. Kaya naman marami sa mga personalidad sa showbiz, na nagiging matalino pagdating sa paghawak ng kanilang kinikita, kung saan ang iba nga sa kanila ay nag-invest sa mga bagay na alam nilang kanilang mapapakinabangan hindi lang ngaayon kundi sa mga darating pang panahon.
Kabilang na nga sa mga sikat na personalidad sa mundo ng showbiz ang talaga namang naging matalino sa paghawak ng kanyang kinikita ay ang aktres na si Sophie Albert, kung saan siya nga ay nakapagpundar ng isang napakaganda at nakakarelaks na beach house mula sa kanyang kinikita sa pagtatrabaho.

Marami nga naman ang naghahangad sa atin na magkaroon ng sariling beach house, dahil talaga namang kapag summer season ay sa mga ganitong lugar tayo madalas n mag-bonding kasama ang ating pamilya.

Samantala, kamakailan nga lamang ay ipinasilip ni Sophie Albert ang kanyang naipundar na beach house, ito ay sa pamamagitan ng vlog na mapapanood sa YouTube channel nila ng partner niyang si Vin Abrenica. Ayon nga sa aktres, ang naipundar niyang beach house ay matatagpuan sa Batangas.

Sa nasabi ngang vlog ay ibinahagi rin ni Sophie ang mga larawan kung saan ay makikitang ginagawa pa lamang ang kanilang beach house. Ayon nga sa kanya, ng mga panahon na ‘yon ay linggo-linggo siyang bumibisita sa beach house property na ito na kanyang nabili upang masilip at bumisita, ngunit ng magkaroon nga ng krisis ay naging madalang na ang ang nagiging pagbisita nila.

Agad namang ipinakita ni Sophie sa unang bahagi ng video ang kabuuan ng beach house, at makikita nga na talaga namang napakaganda nito. Kapansin-pansin rin na ang naturamg beach house ay napapalibutan ng mga luntiang halaman kaya naman mas naging maaliwalas nga ito, idagdag pa na tanaw rin mula rito ang taglay na ganda ng Matuod Beach.

Ibinahagi rin ng aktres na ang naturang beach house ay mayroong mahalagang papel sa kanila ng partner niyang si Vin. Ayon nga kay Sophie isa sa mga espesyal na pangyayari sa kanilang magkasintahan ay naganap sa beach house, kung saan ito nga ay ang naging wedding proposal sa kanya ni Vin.
Ipinasilip din niya ang paborito niyang spot sa kanyang beach house, na ayon nga sa kanya ay ang Cabana dahil dito sila madalas na magsama-sama ng kanyang pamilya.
Ayon naman kay Sophie ang beach house niyang ito ay tinawag ng kanyang ina na Balai Hilom, na nangangahulugan ngang ‘healing house’.