Sulyapan Ang Nakakatuwang Reaksyon Ni Scarlet Snow Belo Sa Pagbabalik Ng Kanyang Yaya

Tunay naman na kapag ang isang bata ay lumaki sa piling ng pag-aaruga ng kanyang “yaya” ay nagkakaroon talaga ito ng puwang sa kanyang puso. Sapagkat parang itinuturing na din nila itong pangalawang magulang nila.




Samantala, isa sa mga celebrity kids na lumaki sa pangangalaga ng kanyang yaya ay ang anak ng mag-asawang Vicki Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow Belo. Si Scarlet ay lumaki sa pag-aaruga ng kanyang yaya na si Yaya Anita, na nagsimula nga siyang alagaan, nu’ng 5 months old pa lamang siya.

Photo Credit: scarletsnowbelo/Instagram

Kaya naman ng magpaalam si Yaya Anita para umuwi sa kanilang probinsya para makapagpahinga at makasama ng matagal ang kanyang pamilya, ay labis nga itong ikinalungkot ni Scarlet.

Photo Credit: scarletsnowbelo/Instagram

Halos isang taon din ngang hindi nagkita at nagkasama sina Yaya Anita at Scarlet, kaya naman ngayon na ito ay nagbalik na ay hindi rin naitago ng batang si Scarlet Snow ang kanyang kasiyahan ng muli nga niyang makita ang taong sa kanya ay nag-alaga.

Photo Credit: scarletsnowbelo/Instagram

Nito lamang nakaraan, sa Instagram account mismo ni Scarlet Snow ay makikita ang isang video kung saan ang nilalaman nga ay ang naging masayang pagtatagpo nilang muli ng kanyang Yaya Anita.

Photo Credit: scarletsnowbelo/Instagram

Ayon sa ilang mga ulat, noong ika-5 ng Oktubre ay nagbalik na nga sa tahanan ng pamilya Belo si Yaya Anita. Makikita naman na isang emosyonal na pagtatagpo ang naganap kay Scarlet at Yaya Anita, at tila naman talagang na-miss nila ang isa’t isa.

Photo Credit: scarletsnowbelo/Instagram

Makikita nga sa video, na tinakpan muna ni Dra. Vicki Belo ang mga mata ng anak niyang si Scarlet, at sinabi nga rito na may surpresa sila para sa anak. Nang makita na ni Scarlet ang sorpresa ng kanyang ina, kung saan ito nga ay ang pagbabalik nga ng kanyang Yaya Anita ay hindi na nga niya napigilan ang mapatalon sa kasiyahan.

Photo Credit: scarletsnowbelo/Instagram

Agad namang nilapitan ni Scarlet ang kanyang Yaya Anita, at sila ngang dalawa ay nagyakapan. Damang-dama naman sa pagitan ng dalawa ang kasiyahan sa muli nilang pagkikita.

“Looks who’s back! She honored her promise! I’m so happy! @athena1974”, ang naging caption nga sa naturang video na makikita sa IG ni Scarlet. Sa muling pagtatagpo nga na ito ni Scarlet at ng kanyang Yaya Anita, pati mga netizens ay naantig at nasiyahan.




Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizens; “I cried to see Scarlet soo Happy! Yaya Nita is back!!!!” “I feel you Scarlet! Happy for you! I have a very close yaya ate too.. they are like your bff.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *