Sulyapan Ang Nakamamangha Sa Ganda Na Terracota Orange House Ni Andrea Brillantes

Ang pagkakaroon ng sariling tahanan ay isa sa mga masasabing ‘accomplishment’ ng marami sa atin, lalo na kung tayo ay lumaki na nakikitira o nangungupahan lamang. Kaya naman para sa kapamilya actress na si Andrea Brillantes, dream come true ang accomplishment ang ipinatayo niya ang dream home niya para sa kanyang pamilya.




Matatandaan na bago ipagdiwang ni Andrea ang kanyang 18-taong gulang na kaarawan ay nagawa na nga nila ng kanyang buong pamilya ang makalipat sa kanilang bago at sariling bahay, kung saan ito nga ang bahay na matatawa nilang sarili nila. Sa kanyang Instagram, ay ibinahagi ni Andrea ang larawan kung saan matatanaw ang labas ng kanilang tahanan, at nakikita nga na ang façade nito ay nakukulayan ng terracotta orange shade.

Image Credit via Google

Samantala, magmula nga noon ay masisilayan na lamang ang ilang mga detalye sa tahanan ng Kapamilya actress kung sisilipin mo ang kanyang Instagram account at makikita nga an ilang mga larawan niya na kuha sa loob ng kanilang tahanan. At sa mga larawan niyang ito, ay masasabi ang pagkakaroon ng napakagandang interior ng loob ng kanilang family dream home.

Image Credit via Google

Nito lamang namang nakaraang linggo, ay may larawan na ibinahagi si Andrea sa kanyang IG na kuha sa bahagi ng kanilang hardin, at agad ngang mapapansin ang napakagandang autumn hues nito, dahil halos nako-coveran nga ito ng red plants. Kapansin-pansin din ang walkway mula sa garden patungo sa tahanan nina Andrea na ang pader ay puno ng mga climbing leaves na rich ruby hue.

Image Credit via Google

May bahagi rin naman sa bakuran nina Andrea na may mga luntiang halaman, at ito ay minsan ng napansin sa vlog at Instagram ng aktres, tulad na lamang ng kanyang larawan kung saan ay makikita ang pinakamataas na cacti.

Image Credit via Google

Sa isang larawan din na ibinahagi ng Kapamilya actress sa kanyang Instagram ay napag-alaman na mayroong swimming pool sa loob ng kanilang bakuran, dahil sa larawan niya kung saan siya ay nakaupo sa isang lounge chair na nasa tabi ng swimming pool.

Tulad ng kanilang façade, ay masasabi din nga na eye-candy ang loob ng tahanan na ito ng aktres, lalo pa’t mayroon itong nakamamanghang high ceiling at abundance window, kung saan pumapasok ang sariwang hangin sa umaga man o gabi.

Isa naman sa talagang naging agaw-pansin sa larawan ni Andrea sa kanyang IG ay ang kuha sa kanyang bathroom, kung saan ay agad na mapapansin ang pagiging magara nito na tila nga parang banyo sa isang mamahaling hotel. Makikita kasi na super chic ang marble tiles ng naturang bathroom, idagdag pa ang mga dainty décor sa loob nito para sa mga beauty products ng aktres.




Sa mga larawan pa nga lamang na ito ay makikita na ang kagandahan at magarbong disenyo ng tahanan nina Andrea Brillantes, kaya naman marami rin ang talagang nag-aabang na magkaroon ng full house tour ang Kapamilya actress.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *