Sulyapan Ang Nakamamanghang New Look Ni Dawn Zulueta Sa Ginawang “Dress-Up Challenge”

Dahil sa walang kupas niyang kagandahan ay talaga namang hinahangaan ng marami ang popular na aktres na si Dawn Zulueta. Kabilang si Dawn, sa mga well-known actress, na may pinakamagagandang mukha sa showbiz noon pa man hanggang ngayon.




Hindi nga maitatanggi na sa kabila ng maingat ng edad ni Dawn, at kahit naglalabasan na rin ang mga white hairs nito, ay taglay pa rin ng aktres ang kanyang angking ganda na hindi pa rin talaga kumukupas.

Photo Credit: dawnzulueta/Instagram

Kamakailan nga lamang, ay muli niyang ipinamalas sa madlang pipol ang kanyang gandang hindi kumukupas at maging ang kanyang ‘creativity’ sa pag-aayos ng sarili.

Photo Credit: dawnzulueta/Instagram

Makikita nga sa Instagram ni Dawn na nahihilig ngayon ang aktres sa ‘Dress-Up Challenge’ kung saan ay nagde-dress up siya ng mga karakter sa mga sikat na palabas, tulad na nga lamang ng pelikulang ‘Bridgerton’ at ‘The Queen’s Gambit’.

Photo Credit: dawnzulueta/Instagram

At nito nga lamang nakaraan, ay muling nagbahagi ang aktres ng kanyang larawan, kung saan ay ipinakita naman niya ang kanyang ‘new look’, na ayon nga sa kanya ito ay ang hitsura ng isang matinik na bagong karakter sa isang pelikula.

Photo Credit: dawnzulueta/Instagram

Kalakip nga ng larawan niyang ito na nagpapakita ng kanyang ‘new look’, ay ang caption niya na;

Photo Credit: dawnzulueta/Instagram

“I enjoyed watching this h3ist comedy film about a very talented group of women.”
Hindi naman inilahad ni Dawn, kung sino nga ba ang ginagaya niyang karakter, ngunit sa kabila nito ay nagbigay naman siya ng clue kung sino ito, sa pamamagitan ng pagbabahagi ng isang linya mula sa isang pelikula.

Photo Credit: dawnzulueta/Instagram

“Hey. No one’s going to [email protected]”, ani Dawn sa kanyang IG post. Nag-uumpisa na nga si Dawn ngayon sa paggawa ng kanyang sariling dress-up challenge, kung saan ay madalas nga niyang ibinabahagi sa kanyang social media account ang kanyang mga larawan kung saan ay nakikita ang kanyang ginawang magagandang dress-up sa kanyang sarili.

Photo Credit: dawnzulueta/Instagram




Ayon nga kay Dawn, kadalasan ang mga dress-up na kanyang ginagawa ay nakukuha niya sa mga karakter ng pelikula na kanyang napapanood sa NetFlix.

Dagdag pa ng aktres, sa ngayon ay talagang isa sa kanyang mga kinalilibangan at kinagigiliwan ay ang pagbibihis bilang mga karakter sa mga napapanood niyang palabas. Sa ginagawa niya rin na ito, ay ginagamit niyang muli ang kanyang mga damit at gamit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *