Sulyapan Ang Napaka Cute At Kinagigiliwang Bunsong Anak Ni Alfred Vargas

Maraming mga couples sa mundo ng showbiz ang naghiwalay nito lamang nakaraan, ngunit sa kabila nito, ay may ilan pa rin naman na napanatili ang matatag at puno ng pagmamahalan na relasyon, kabilang na nga rito ay ang aktor na si Alfred Vargas at kanyang non-shownbiz wife na si Yasmin Espiritu-Vargas.




Kabilang sa mga mahuhusay at gwapong aktor ng Kapuso network si Alfred Vargas, at matatandaan din na siya naging dating star sa GMA fantaserye na Encantadia. Ang misis naman ni Alfred na si Yamine Espiritu, ay isang non-showbiz personality, ngunit sa kabila nito ay hindi naman maikakaila ang pagkakaroon nito ng napakagandang mukha na isa sa mga dahilan upang mabighani sa kanya ang Kapuso actor na ngayon ay kanya na ngang asawa. Marami ding mga netizens ang nagsasabi na nahahawig si Yasmine sa napakagandang aktres na si Marian Rivera.

Photo Credit: alfredvargasofficial/Instagram

Labing-apat na taon ng mag-asawa sina Alfred at Yasmine, at sa mahabang panahon na ito ng kanilang pagsasama ay hindi maikakaila na napuno ito ng pagmamahalan, kaya naman sila ay nabiyayaan din ng tatlong anak, na siyang mas lalong nagbigay kulay at saya sa buhay nilang mag-asawa.

Photo Credit: alfredvargasofficial/Instagram

Dahil sa parehong maganda at gwapo ang mag-asawa ay hindi na nga nakapagtataka na ang kanilang mga naging anak ay may angking kagandahan at kagwapuhan din, at ito nga ay sina Alexandra, Arayana at Cristiano.

Photo Credit: alfredvargasofficial/Instagram

Ang bunso nga sa mga anak ng mag-asawa ay ang nag-iisa nilang anak na lalaki na si Cristiano, at sa kabila na napakabata pa nito, ay marami namang mga netizens ang nakapansin ng angking kagwapuhan at kakyutan nito. Mas lalo pa ngang naging agaw-atensyon si Cristiano ng ibahagi ng ina niyang si Yasmine ang mga cute na cute na larawan ng kanyang anak.

Photo Credit: alfredvargasofficial/Instagram

Sa Instagram ng misis ni Alred Vargas ay makikita ang naging pagbabahagi nito ng mga larawan ng anak nilang si Cristiano. Sa naturang larawan nga ay masisilayan na nakasuot ng barong tagalog si Cristiano, at sa pagkakaharap nito sa kamera, ay aakalain nga na ito ay binata na dahil sa taglay nitong kagwapuhan at karisma.

Isa pa sa mga ibinahaging larawan ni Yasmine ay ang larawan ni Cristiano na kuha ng sila ay nag-beach vacation. Makikita sa larawan na nakaupo si Cristiano sa isang batuhan at talaga namang kagiliw-giliw ang kakyutan nitong taglay.

Kalakip ng naturang larawan ay ang pagbabahagi ni Yasmine ng mga pinagdaanan niya ng ipinagbuntis niya si Cristiano, at kung gaano ka-worth it lahat ng mga pinagdaanan niya ngayon na nakikita niya na lumalaking isag napaka-sweet, kind at funny boy ng kanyang bunsong anak.




“There are no words to describe how much I love this little boy. the countless visit to the ER when I was pregnant, the almost 3 weeks confined in the hospital, the 8 months spent vomiting from morning til night, the vision and weight loss, the stress and fear, the preterm labor, the literally agaw-buhay pregnancy were all worth it!” Dagdag pa niya, “There’s no limit and no end to my for you, my super sweet, kind and funny bunso.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *