Sulyapan Ang Napakaganda At Modernong 2-Storey House Ng Kapuso Actress Na Si Jennylyn Mercado

Napakarami na ngang mga tahanan ng sikat na personalidad sa showbiz ang ating nasilip at nasulyapan, kung saan halos lahat nga ng mga ito ay talaga namang ubod sa ganda, laki, at moderno. Bawat tahanan rin ng mga ito ay may iba’t ibang mga disenyo at kuwento, na nagbibigay inspirasyon nga naman para sa marami sa atin na ngangarap rin na magkaroon ng sarili at magandang tahanan.




Samantala, ngayon nga ay isa na namang tahanan ng sikat ang ating bibigyang sulyap, kung saan ang tahanan nga niyang ito ay bunga rin ng kanyang naging galing, sipag at tiyaga sa buhay, at ito nga ay walang iba kundi ang mahusay, maganda at super seksi rin na aktre na si Jennylyn Mercado.

Image Credit via Google

Ayon kay Jennylyn taong 2014 ng magsimula siyang maghanap ng kanyang sariling bahay sa tulong ng kanyang manager. At hindi naman nabigo ang aktres, dahil sa lungsod ng Quezon City, ay natagpuan niya ang bahay na una pa lamang niyang nasilayan ay talagang gandang-ganda na siya at nagustuhan na niya.

Image Credit via Google

Ibinahagi ng aktres, na ng una niyang makita ang tahanan na kanyang tinitirhan niya ngayon, ay agad na siyang humanga dito dahil sa nakita niya agad dito ang gusto niya sa disenyo ng isang tahanan. Ayon kay Jennylyn, isa nga sa mga nagustuhan niya dito ay ang maaliwalas at maluwang na espasyo niyo, kaya naman agad niya itong binili.

Image Credit via Google

Matapos naman mabili ng aktres ang naturang tahanan, ay agad naman siyang naghanap ng tao na mas magpapaganda dito, kaya naman kumuha siya ng isang interior designer upang bigyan ng kulay at lalao pang pagandahin ang kanyang nabiling tahanan.

Image Credit via Google

Labis naman ang naging tuwa ni Jennylyn ng makita ang kinalabasan ng naging interior ng kanyang tahanan, dahil sa talaga namang hindi siya binigo ng interior designer na kanyang kinuha at na-meet nga nito ang lahat ng inaasahan niya.

Image Credit via Google

Nabanggit pa ni Jennylyn, na hindi lamang isang tahanan na kanyang masisilungan ang nabili niyang bahay na ito, kundi maituturing din niya itong “lucky charm”, dahil simula umano ng dito na siya manirahan ay mas dumami pa ang opurtunidad na dumating sa kanyang karera.




Matatandaan na si Jennylyn Mercado ay nagsimula sa mundo ng showbusiness ng maging grad winner siya sa isang talent show ng GMA-7 noong taong 2003 na “StarStruck”.

Si Jennylyn Mercado ay ipinanganak noong ika-15 ng Mayo taong 1987, kaya naman sa kasalukyan ay nasa edad 33 na ito. Maliban sa pagiging isang aktres sa mundo ng showbiz, ay kilala rin siya bilang isang songwriter at mang-aawit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *