Sulyapan Ang Napakaganda At Nakaka-Relaks Na Bahay Bakasyunan Ni Katrina Halili

Marami sa ating mga hinahangaang artista sa industriya ng showbiz ang dahil sa kanilang naging pagsisipag at pagtitiya sa trabaho nila, ay nakapagpundar na ng iba’t ibang mga ari-arian. Marami sa kanila ay mayroon ng mga naglalakihan at nag-gagandahang mga tahanan, may negosyo, mga sasakyan, at maliban pa dito ay may mga pag-aari pa sa ibang mga lugar sa ating bansa.




Isa na nga sa mga personalidad sa showbiz na talaga namang marami na ring mga naipundar dahil sa kanyang pagiging isang artista ay ang napakaganda at napakseksing aktres na si Katrina Halili. At isa nga sa talagang kanyang maipagmamalaki na naipundar niyang ari-arian, ay ipinasilip niya kamakailan lamang, ito nga ay ang kanyang naipundar na pag-aari sa napakagandang isla ng Palawan.

Image Credit Via Google

Ayon sa mga naging ulat, ang aktres ay nakabili ng 13-ektaryang lupain sa nasabing isla, kung saan ito nga ay pinatayuan niya ng isang magandang tahanan na talaga namang nakakarelaks kung pagmamasdan. Ang tahanan nga na ito ng aktres ang nagsisilbi niyang bahay-bakasyunan, at ito ay mayroong tatlong kwarto na ang matatanaw ay ang magandang tanawin ng kapaligiran.

Image Credit Via Google

Samantala, maliban sa magandang tahanan na ito ng aktres ay mayroon ding siyang palayan, at bakanteng lupa kung saan naman para sa mga alaga niya rito, kagaya na lamang ng baboy.

Image Credit Via Google

Mahahalintulad nga ang lugar na ito ni Katrina Halili sa isang Paraiso na ang nakatira ay diwata, dahil sa magandang tanawin nito, na napapaligiran nga ng malalaking mga puno na karamihan ay hitik sa bunga.

Image Credit Via Google

Makikita sa mga larawan ng naturang bahay-bakasyunan ng aktres na ito ay mayroon lamang simpleng disenyo, ngunit nakamamangha naman sa ganda ang mga kagamitan nito sa loob dahil sa modernong pagkakaayos nito kung saan karamihan pa ng mga kagamitan ay gawa sa kahoy.

Image Credit Via Google




Mas naging maaliwalas naman tingnan ang naturang tahanan dahil sa mga naglalakihan nitong binta, na mas nakakarelaks at nagbibigay nga ng kakaibang ambiance dahil matatanaw sa pamamagitan nito ang magandang tanawin sa labas.

Umani naman ng mga positibong komento mula sa mga netizens ang naging pagbabahagi na ito ni Katrina Halili ng kanyang napakaganda at nakaka-relaks na bahay bakasyunan. Maliban pa dito ay napakarami pang mga reaksyong “likes” ang

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *