Sulyapan Ang Napakagandang Baby Girl Ng Mag-Asawang Sam Pinto At Anthony Semerad

Parang kailan lang ng ikasal ang mag-asawang Sam Pinto at Anthony Samerad. At ngayon nga ang mag-asawa ay nabiyayaan na ng isang anak na siyang bumuo ng kanilang pamilya.




Kamakailan nga lamang ay isinilang ni Sam Pinto ang panganay na anak nila ng kanyang asawang si Anthony Samerad, kung saan ito nga ay isang baby girl na ngayon ay kinagigiliwan ng marami. Isang healthy at bouncing baby girl ang panganay na anak ng mag-asawa, na binigyan nga nila ng napakagandang pangalan na Mia Aya Semerad.

Photo Credit: sampinto_/Instagram

Nito nga lamang nakaraan sa kanyang Instagram ay masayang ibinahagi ng celebrity mom na si Sam Pinto ang larawan nilang pamilya, kung saan ay makikita ngang kasama ang kanilang napaka-gandang baby girl na si Baby Mia.

Photo Credit: sampinto_/Instagram

“My little family Finally. After a month, daddy @anthonysemerad is home from the PBA bubble. We missed you very much PS he was there when @miaayasemerad was born”, ang naging caption ni Sam sa larawan.

Photo Credit: sampinto_/Instagram

Ayon nga mismo kay Sam, sa kabila ng kasama ang kanyang asawang si Anthony sa PBA Bubble, ay hindi ito nawala ng isinilang na niya ang panganay na anak nilang si baby Mia.

Photo Credit: sampinto_/Instagram

Samantala, sa isang vlog na ibinahagi ng mag-asawa ay makikita ang naging masayang gender at name reveal nila, nu’ng hindi pa nga isinisilang ang kanilang panganay na anak.
Agad namang bumuhos ang napakaraming pagbati para sa mag-asawa sa pagdating ng kanilang baby girl, na paniguradong magiging ‘bundle of joy’ nila.

Narito naman ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens;
“Congartulations.. Thank you for sharing another milestone with us! Hopefully you’ll document your pregnancy and birth so that us, future moms, will be knowledgeable ang prepared too. I’m so happy for you.. May God bless your family… So much love.”

“Congrats to the both of you more blessings and more vlogs to upload. Am so excited to the baby gender and can’t wait to see you little one safe and healthy.”
“Congartulations to the both of you! Can’t wait to meet the baby girl Semerad.”




Ang mag-asawang Sam Pinto at Anthony Semerad ay matatandaan na ikinasal noong ika-8 ng Marso taong 2021, sa isang intimate civil wedding ceremony na ginanap sa rooftop ng Conrad Manila hotel sa Pasay City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *