Sulyapan Ang Napakagandang Buhay Ngayon Ng Dating Aktres Na Si Charee Pineda

Marahil ay marami pa rin sa atin ang nakakakilala sa dating mahusay at napakagandang aktres na si Charee Pineda. Kung natatandaan niyo pa, siya ay ang naging ka-loveteam noon ng aktor na si JM De Guzman sa serye ng ABS-CBN na “Ang Batang Ama”.




Nakilala si Charee sa mundo ng showbiz industry dahil maliban sa kanyang angking kagandahan ay ipinamalas rin niya sa lahat ang pagiging isa niyang mahusay na artista, lalo na sa pag-arte.

Photo Credit: chareepineda/Instagram

Hindi naman nagtagal sa kabila ng kanyang namamayagpag na karera bilang isang artista, ay unti-unti niyang nilisan ang showbiz. Ito ay dahil sa kagustuhan niya na mag-pokus sa bagong karera niya sa buhay at ito nga ay ang pagiging isang politician.

Photo Credit: chareepineda/Instagram

Taong 2013 ng sumabak si Charee Pineda na pasukin ang politika kung saan ay nagwagi siya bilang councilor ng Valenzuela. Siya’y naging matagumpay bilang isang politician, lalo pa’t ilang beses din siyang nagwagi, kaya naman talagang nabuhos ang maraming panahon niya sa pagbibigay serbisyo sa bayang kanyang pinaglilingkuran.

Photo Credit: chareepineda/Instagram

Ikinasal si Charee Pineda sa pitong taon niyang kasintahan na si Martell Francesco Soledad na pinsan ng kilalang TV personality na si Shalani-Soledad-Romulo noong buwan ng Pebrero taong 2020. At ilang buwan nga lamang matapos nilang i-enjoy ang buhay mag-asawa, ay napagdesisyunan na nila na bumuo na ng masayang pamilya.

Photo Credit: chareepineda/Instagram

Ilang buwan nga lamang matapos maikasal ay masayang ibinalita ni Charee at ng kanyang mister na sila ay magkakaroon ng kanilang first baby. At noon ngang buwan ng Nobyembre taong 2020 ay isinilang na ng dating aktres ang isang malusog, maputi at super sa kakyutan na baby boy.

Photo Credit: chareepineda/Instagram

Ibinahagi nga ni Charee sa kanyang social media account ang masayang pangyayari na ito sa kanyang buhay, kung saan siya nga ay ganap ng isang ina.

Photo Credit: chareepineda/Instagram

“My answered prayer. My baby Martell Francesco Soledad! So, many blessings to be thankful for. First, thank you Lord for our super early Christmas present! Thank you for keeping us safe”, caption ng aktres sa larawan na kanyang ibinahagi.

Photo Credit: chareepineda/Instagram

Sa kabila naman ng pagiging isa ng mommy ng dating aktres, ay hindi naman kumupas ang taglay naganda at karisma ni Charee.

Kung saan ay makikita nga sa kanyang mga larawan, ilang buwan lamang matapos niyang manganak ay tila nga hindi ito nanganak at para bang dalaga pa rin dahil sa napanatili nito ang napakagandang hubog ng kanyang pangangatawan Ayon naman sa mga ulat, sa ngayon ay pokus si Charee sa pagiging isang hands-on mommy niya sa kanilang anak, na pinangalanan nga nilang si si baby Cesco.




Tila nga wala ng mahihiling pa sa buhay ang dating aktres, dahil sa napakaganda na ng buhay nito ngayon kasama ang kanyang asawa, na mas binigyang kulay at kasiyahan pa nga ng kanilang

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *