Sulyapan Ang Napakagandang Throwback Photo Nina Richard Gomez At Ng Kanyang Dalagang Anak

Kung ang pag-uusapan ay ang mga katangian na ‘tall, dark and handsome’ ay isa nga ang aktor na si Rchard Gomez sa may mga ganitong pisikal na katangian kaya naman hindi kataka-taka na isa din siya sa mga hinahangaan na personalidad sa mundo ng showbiz.




Maliban pa nga sa mga katangian niya na ito, ay isa ring mahusay na aktor si Richard, kaya naman noong kanyang henerasyon ay kabilang siya sa mga pinaka sikat at indemand na leadingman.

Photo Credit: gomezjuliana/Instagram

Hanggang sa kasalukuyan ay marami pa rin nga ang humahanga sa aktor, ito ay kahit hindi na siya ganun kaaktibo sa mundo ng showbiz dahil sa ngayon nga ay nasa linya siya ng politika.

Photo Credit: gomezjuliana/Instagram

Samantala, taong 1998 ng ikasal si Richard sa kanyang maybahay na si Lucy Torres-Gomez, at sila ngang mag-asawa ay nabiyayaan naman ng isang anak, ito nga ay ang kanilang unica hija na si Juliana Gomez. Si Juliana ay kasalukuyang nasa ikatatlong taon na sa kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas, kung saan kumuha siya ng kursong Public Administration.

Photo Credit: gomezjuliana/Instagram

Kahit nga abala ang mag-asawang sina Lucy at Richard sa kani-kanilang karera bilang isang Mayor at Fourth District Representative sa Ormoc City, ay sinisigurado nga nila na may panahon sila sa kanilang anak na si Juliana, kaya naman hindi nakapagtataka na lumaki ito na isang mabuti at responsableng anak.

Makikita nga kay Juliana kung gaano siya ka-proud sa kanyang mga magulang, lalo na nga sa kanyang amang si Richard.Nito nga lamang nakaraan ay nagbahagi ng throwback photo nila ng kanyang Daddy si Juliana, at ito nga ay nilakipan niya ng caption na, “Dad’s birthday”.

Sa larawan na ito ay makikita ngang bata pa si Juliana, at ang kanyang amang si Richard ay nakayakap sa kanyang likuran na hinalikan pa siya sa pisngi at sila nga ay parehong nakangiti sa harap ng kamera.

Ang pagbabahagi na ito ni Juliana ng throwback photo nila ng kanyang ama, ay pamamaraan niya na ipaabot ang kanyang pagbati para sa ika-56 taong gulang nito. Sa komento naman ng post na ito, ay makikita ang naging pagtugon ni Richard, at inihayag nga niya ang pagmamahal niya para sa kanyang napakalambing at mapagmahal na anak.




“Iloveyou, Day”, ang naging komento nga ni Richard sa Instagram post ng kanyang anak na si Juliana. Sa pagdiriwang nga ni Richard Gomez ng kanyang ika- 56 taong kaarawan ay hindi pa rin naman napaghahalata sa aktor/politiko ang kanyang edad dahil tunay na napakakisig pa rin niya. Happy Birthday, Richard!

Leave a Reply

Your email address will not be published.