Sulyapan Ang Pagpapasilip Ni Melissa Ricks Sa Kanilang Intimate Wedding Ng Kanyang Non-Showbiz Fiancée

Masayang ibinahagi ng ‘Star Circle Quest’ alumna na si Melissa Ricks ang pagiging isang ganap na niyang maybahay ngayon, matapos nga niyang ikasal na sa kanyang non-showbiz fiancée na si Michael Macatangay.




Noon nga lamang nakalipas na ika-23 ng Mayo, ikinasal si Melissa kay Michael, at ito ay isang simpleng intimate wedding na naganap sa isang chapel s California, USA.
Sa mga larawan na ibinahagi ni Melissa sa kanyang Instagram account ay makikita ang ilang naging highlights sa kanilang pag-iisang dibdib ng kanyang non-showbiz fiancée.

Photo Credit: mellyricks09/Instagram

Labing limang bisita nga lamang ang naging saksi sa pagpapalitan nina Melissa at Michael ng katagang ‘I Do’ sa isa’t isa tanda ng panghabang-buhay nilang pagmamahalan.
Ayon kay Melissa,

Photo Credit: mellyricks09/Instagram

nasa tatlong linggo lamang ang naging preparasyon nila para sa kanilang kasal, kung saan ay naging katuwang nila sa paghahanda ang mga kaibigan at kapamilya nila na nasa Amerika para matagumpay nilang maidaos ang kanilang pag-iisang dibdib ni Michael.

Photo Credit: mellyricks09/Instagram

Ang wedding reception naman ng newlywed couple ay masaya nilang idinaos sa malawak na bakuran ng stepfather ni Melissa. “Our Wedding. Our special day made special by my closest friends and relatives here in California in only 3 weeks! I woke up early, hubby cooked breakfast,

Photo Credit: mellyricks09/Instagram

we went to the grocery to get some snacks and soda for the guests, went through the drive tru at jack in the box to get churros and tacos, then proceeded home to get ready.”
Ibinahagi naman ni Melissa na siya lamang ang nag-ayos ng kanyang sarili sa kanyang kasal, nagbihis sa kanyang sarili, at maging ang pagdadrive sa sasakyan papunta sa chapel ay siya rin ang gumawa.

Photo Credit: mellyricks09/Instagram

“I did my own hair and makeup, zipped myself into my gown, drove down to the chapel, had a simple ceremony with the people. Afterwards we had the reception in my step dads backyard, couldn’t get any simpler than that”, dagdag ni Melissa.

Photo Credit: mellyricks09/Instagram

Mababanaag naman ang kasiyahan sa mukha ng newlywed couple dahil sa naging matagumpay na pag-iisang dibdib nila. Ini-reveal naman ni Melissa na ang kanyang wedding gown ay gawa ng isang Batangas-based designer, kung saan ay minadali umano ang pagkakagawa nito, ngunit sa kabila nito ay naging kapuri-puri sa mga mata ng netizens ang napakaganda niyang wedding gown.




“I honestly didn’t know what I wanted to wear what I knew is I wanted it Simple and comfortable, and that exactly how it was. Actually, Michael had more participation on my gown, from the fabric choice, to design! Love how hands on he was! Can you believe He talked to Lauren before I did!”

Dagdag pa niya, “Thank you Batangas Based designer @laurenbayrabe and @laurenberberadedesigns for making me my dream gown in a ‘rush’. Thank you for all the Love and support!” Matatandaan na noong buwan ng Agosto taong 2020 na-engage si Melissa sa kanya ng asawa ngayon na si Michael Macatangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *