Sulyapan Ang Proposal Bryan Santos Sa Kanyang Nobyang Si Marlann Flores Noong Valentine’s Day

Hindi inaasahan ni Marlann Flores, mula sa kasintahang aktor na si Bryan Santos na sa pagdiriwang ng araw ng mga puso o Valentine’s Day ay hihingin na ng nobyo ang kanyang kamay upang makasama na nga siya nitong habang buhay.




Kasabay nga ng araw ng mga puso, kung saan ay masayang masaya at punong puno ng tamis ng pagmamahalan ang araw na ito, ay natanggap na nga ni Bryan Santos mula sa kanyang kasintahan ang matamis nitong ‘Oo’ matapos nga niyang mag-propose dito.

Photo Credit:marlannflores/Instagram

Matagal na rin kasing magkasintahan ang dalawa, kaya naman tila napapanahon na nga na tumuloy na sila sa panibagong yugto ng kanilang relasyon.

Photo Credit:marlannflores/Instagram

“There for a man shall leave his father and mother and hold fast to his wife, and the two shall become one flesh. So, they are no longer two but one flesh”, ang naging saad ng ani Bryan na may caption pang #TheOneWithTheProposal.

Photo Credit:marlannflores/Instagram

Samantala, sa Instagram naman ng kasintahan ni Bryan na si Marlann, ay ipinapahayag nito na ibang kasiyahan ang kanyang nararamdaman, surreal daw talaga ang kanyang pakiramdam.

Photo Credit:marlannflores/Instagram

“My best friend is now my fiancé! It feels surreal.. Somebody pinch me. You are my answered prayer. God’s timing is indeed perfect! And so the adventure begins”, ang naging saad nga ni Marlann.

Photo Credit:marlannflores/Instagram

Matatandaan na taong 2010 ng unang magkrus ang landas nina Bryan at Marlann sa set ng seryeng ‘Imortal’.

Photo Credit:marlannflores/Instagram

Maliban sa pagiging isang aktor, ay kilala rin si Bryan Santos bilang pamangkin ni Charo Santos – Concio, ang executive ng ABS-CBN, at head ng Star Cinema na si Malou Santos.
Matatandaan na noong taong 2016 ay napabilang siya sa drama series na “Story of Us”,

Photo Credit:marlannflores/Instagram

kung saan pumapel siya bilang third wheel sa tambalang Kim Chiu at Xian Lim. Hindi nga lang acting ang kanyang talento, dahil ipinakita rin niya ang kanyang husay sa pag-awit sa isang banda na “Harana”.

Photo Credit:marlannflores/Instagram




Masaya naman ang mga tagahanga ng dalawa dahil sa wakas ay mauuwi na sa kasalan ang masayang relasyon ng mga ito. At marami na nga ang nag-aabang ng magiging kaganapan sa kanilang nalalapit na pagpapakasal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *