Sulyapan Ang Simpleng Buhay Ngayon Ng Dating Aktres “Darna” Na Si Nanette Medved

Hindi nga naman lahat ng artista ay tumatagal sa industiya ng showbiz, dahil may ilan sa kanila na piniling talikuran ang kasikatan para magkaroon ng simpleng pamumuhay.
Halimbawa na nga lamang nito ay ang dating aktres at minsan na ring gumanap bilang “Darna” na si Nanette Medved. Kung matatandaan, siya ay isa sa mga naggagandahan at nagseseksihang aktres na sumikat noong dekada 90.




Matatandaan na iba’t ibang mga papel sa pelikula ang kanyang ginampanan, at isa na nga sa mga hindi malilimutan na naging pag-ganap niya, ay ng gampanan niya ang pagiging si ‘Darna’.

Image Credit via Google

Dahil sa kanyang taglay na kagandahan, kaseksihan at kahusayan sa pagiging isang aktres, ay nagkaroon siya ng maraming mga proyekto, kung saan ay nakasama nga niya ang ilan pa sa mga bigating personalidad sa showbiz kagaya na lamang ni “The King” Fernandoe Poe Jr.

Image Credit via Google

Samantala, sa kabila naman ng tinatamasang kasikatan ay nagdesisyon si Nanette na iwanan ang pag-aartista, ito ay dahil dumating siya sa panahon na ang tanging nais niya ay ang mamuhay ng simple at tumulong sa kapwa na nangangailangan. Nagpokus siya sa pagtatayo ng kumpanya na ang layunin ay makatulong sa iba, ito nga ay ang Generation Hopi Inc., at ang Friend of Hope Inc.

Image Credit via Google

Ayon sa ulat, ang layunin nga ng mga itinayo na ito ni Nanette ay ang matulungan ang mga pampublikong paaralan na may mga estudyante na hirap sa buhay. Maliban pa dito, ay sinusuportahan rin ng kanilang programa ang mga magsasakang Pilipino.

Image Credit via Google

Layunin din ni Nanette ang pangalagaan ang kalikasan kaya naman itinayo niya rin ang Plastic Credit Exchange Inc. (HOPEx), kung saan ay tinutulungan niya ang mga kumpanya, negosyante, at simpleng at simpleng indibidwal na maging responsable pagdating sa paggamit at pagtapon ng mga plastic.

Image Credit via Google

Dahil nga sa mga pinagkakaabalahan na ito ni Nanette na pagtulong sa kapwa, maging sa pangangalaga sa kalikasan ay hinirang siya noong taong 2017 ng Forbes, bilang isa sa mga “Heroes of Philanthropy”. Hanggang ngayon nga ay patuloy pa rin si Nanette sa kanyang mga adhikain at layunin na makatulong sa kanyang kapwa, at maalagaan ang kapiligiran.




Sa ngayon nga ay may sarili na ring pamilya si Nanette, siya ay ikinasal sa kanyang asawang si Christopher PO, at sila nga ay mayroon ng dalawang anak. Kahit naman maraming pinagkakaabalahan ay hindi naman napapabayaan ni Nanette ang kanyang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *