Sulyapan Ang Simpleng Buhay Sa Bansang Australia Ng Dating Aktres Na Si Rich Asuncion

Mula ng iwan ang mundo ng showbiz, heto na ang simple at masayang pamumuhay ngayon ng dating aktres na si Rich Asuncion sa ibang bansa, kasama ang kanyang pamilya.
Sa mundo ng showbiz, ay napakarami na ngang mga celebrity ang sa kabila ng napakaraming taon na namumuhay sa kasikatan, ay pinili ngang iwanan ito, magmula ng magkaroon ng kanilang sariling pamilya, at mas ninais na nga nila na mamuhay ng simple.




Kabilang nga sa mga celebrity na ito, na tinalikuran ang kasikatan at pag-aartista magmula ng magkaroon ng sarili niyang pamilya, ay si Rich Asuncion. Dating GMA artist si Rich Asuncion, at ang kanyang karera bilang isang artista ay nagsimula ng siya ay maging kalahok sa reality talent show ng GMA noon na StarStruck. Sa nasabing reality show, ay hinirang nga siya na ‘First Princess’, at magmula nito ay mas marami ng oportunidad at proyekto ang nagbukas kay Rich sa kanyang home network.

Image Credit via Google

Lingid naman sa kaalaman ng marami, bago pa man pasukin ni Rich ang pag-aartista ay naging beauty queen muna siya, kung saan sumali nga siya sa Bb. Pilipinas noong taong 2009.

Image Credit via Google

Samantala, makalipas ang ilang taon ng pag-aartista, ay mas pinili nga ni Rich na iwan ang kanyang karera, ito ay mula ng siya ay ikasal at bumuo ng sarili niyang pamilya. Ikinasal si Rich sa mister niyang si Benj Mudie, at sila nga ay nanirahan sa Australia, kasama ang panganay na anak nila na isang babae. Sa kasalukuyan naman ay ipinagbubuntis na din ni Rich ang magiging ikalawang anak nila ng kanyang mister.

Image Credit via Google

Makikita naman sa Instagram ng dating aktres ang kasiyahan niya sa pinili niyang buhay kasama ang kanyang binuong pamilya. Masasabi nga na tila, naabot na ni Rich ang kanyang pinapangarap sa buhay, at ito nga ay hindi kasikatan, kundi ang pagkakaroon ng isang simple at masayang pamilya.

Image Credit via Google

Isa lamang nga si Rich Asuncion sa mga dating artista na mas pinili ang mamuhay sa ibang bansa, at pinatunayan, na hindi sa kasikatan matatamasa ang tunay na kasiyahan sa buhay, kundi ito ay sa piling ng mga taonga ting minamahal.




Matatandaan na ikinasal si Rich Asuncion sa longtime boyfriend niyang si Benjamin Mudie noong ika-28 ng Mayo taong 2018, sa bansang Hong Kong. Ang kanilang pag-iisang dibdib ay dinaluhan ng ilan sa mga malalapit na celebrity friends ni Rich, katulad na lamang nina Sheena Halili, Glaiza de Castro, Renz Fernandez at Sunshine Dizon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *