Sulyapan Ang Tahimik At Masayang Buhay Ng Dating Modelong Si Kelly Misa

Matatandaan na noong Pebrero taong 2009 ng ma-engaged ang modelo at dating host ng programang Wowowee si Kelly Misa sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Carlos Fernandez. Ang kanilang kasal ay naka-skedyul na noon ngang 2009, at nagbukas rin sa kanya ang pintuan ng showbiz matapos nito.




Ayon kay Kelly, nagdesisyon muna siyang sundin ang pangarap niya na maging isang artista at host, dahil sa minsan nga lamang naman kumatok ang ganitong oportunidad sa buhay niya.

Photo Credit: kellymisa/Instagram

“Nagdecide ako na i-follow ko na talaga yung dream ko na maging artista and maging host, na never kong ina-allow yung sarili ko na i-follow.”, ang naging paliwanag ni Kelly.

Photo Credit: kellymisa/Instagram

Dekada na rin nga ang lumipas mula ng ikasal si Kelly sa kanyang asawa, at sa social media nga nito noong lamang ika-21 ng Hunyo,

Photo Credit: kellymisa/Instagram

ay naging sunod-sunod ang naging pagbabahagi niya ng masasayang larawan nila ng kanyang asawa at mga anak, kalakip ang naging pagbati niya para rito, dahil sa ang araw nga na iyon ay espesyal na araw para sa mga ama, o ang Father’s Day.

Photo Credit: kellymisa/Instagram

Isa nga sa mga larawan na ibinahagi ni Kelly ay ang larawan nila ng kanyang asawang si Carlos Fernandez habang kasa-kasama nila ang kaisa-isa nilang anak na lalaki na si Tristan Antonio.

Photo Credit: kellymisa/Instagram

“Our fave photo of us! [red heart emoji] Happy Father’s Day to this guy who is never in my feed because he is always behind the camera. Grateful for you today and everyday @lostagram”, caption ni Kelly sa larawan.

Ayon nga kay Kelly ang kanyang mister ay mahiyain sa kamera sa madaling salita nga ya isa itong camera shy kung kaya hindi ito madalas na nakikita sa mga larawan ni Kelly sa kanyang social media account.

Makikita naman sa comment box ng nasabing larawan na ito ay binaha ng mga pagbati at komento mula sa mga tagahanga ni Kelly at sa malalapit na mga kaibigan nila ng kanyang mister.




Marami nga sa mga komento ay nagpahayag ng kanilang mensahe na “Happy Father’s Day” para sa asawa ng modelo at dating Wowowee host.
Makikita naman sa mga larawan na ito ni Kelly na ngayon ay masaya at tahimik ang kanyang buhay sa piling ng kanyang asawa at anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *