Sulyapan Ang Throwback Photo Ng Napakagandang Mommy Ni Ara Mina At Cristine Reyes Na Isa Palang Dating Beauty Queen

Ang magkapatid na sina Ara Mina at Cristine Reyes ay kilala sa mundo ng showbiz bilang mga aktres na hindi lamang hinahangaan sa kanilang angking galing sa pag-arte, kundi pinapantasya at iniidolo din ng marami dahil sa kanilang taglay na kagandahan at kaseksihan.




Dahil nga sa pagiging mahusay na aktres nina Ara at Cristine, ay marami rin nga silang mga naging proyekto at pelikula, kung saan ilan pa sa ito ay nagkaroon sila ng parangal. Maliban pa sa mga ito, marami ring mga endorsements ng mga make-up at beauty brands ang dalawa, ito ay dahil nga sa kanilang taglay na kagandahan. Dahil naman sa kanilang taglay na kaseksihan at ganda, ay naging modelo din sila, sa katunayan ay naging cover din nga sila ng iba’t ibang mga magazines.

Image Credit via Google

Hindi naman maiwasan ng maraming mga tagahanga nina Ara Mina at Cristine ang magtanong kung kanino ba namana ng magkapatid ang kanilang taglay na kahanga-hangang ganda. Samantala, kamakailan lamang ay mayroong ibinahagi ang aktres na si Ara Mina sa kanyang Instagram account na tila nga siyang kasagutan sa tanong ng mga netizens. Ito ay nang kanya ngang ibahagi ang throwback photo ng kanyang Mommy na kuha pa umano noong taong 1967.

Image Credit via Google

Sa naturang larawan ay makikita ang Mommy ni Ara na tila nga nasa isang beauty pageant, dahil ito ay kasalukuyang pinuputungan ng korona ng kunan ng larawan. Mapapansin naman na kahit na napakatagal na nga ng naturang larawan ay kitang-kita ang kagandahang taglay ng Mommy nina Ara at Cristine. Ayon nga kay Ara, ang kanilang ina ay Filipino-German, kaya naman talagang kahanga-hanga ang taglay nitong ganda.

Image Credit via Google

Sa ilang mga bagong larawan nga nina Ara ar Cristine na kasama nila ang kanilang ina, ay makikita na kahit na ito ay may edad na ngayon ay mapapansin pa rin ang taglay nitong kagandahan. Mapapansin din ang pagkakahawig nina Ara at Cristine sa kanilang Mommy, kaya naman masasabi ngang minana ng magkapatid sa kanilang ina ang kanilang kahanga-hangang ganda na isa nga sa naging puhunan nila para maging matagumpay sa mundo ng showbiz.

Image Credit via Google




Ayon naman kay Ara ang throwback photo ng kanyang Mommy na ibinahagi niya ay isa nga sa mga alaala ng kabataan nito at ang larawan nga na ito ay talagang mahalaga sa kanila lalo pa’t iilan na nga lamang ang naiiwang litrato ng kanilang pamilya. Ang naturang larawan din umano ang isa sa mga naisalba noong sila ay masalanta ng bagyong Ondoy. Pahayag pa ni Ara, ang larawan nga na ito ng kanyang Mommy ay isang restored photo ng ito nga ay Manalo bilang ‘Mutya ng Pasig” noong taong 1967.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *