Sulyapan Ang Unforgettable At Magical Celebration Ng Ika-28 Taong Kaarawan Ng Napakagandang Aktres Na Si Sarah Lahbati

Muli na naman ngang nadagdagan ang edad ni Sarah Lahbati, matapos niyang ipagdiwang ang kanyang kaarawan ngayong taon. Sa kabila naman ng pag-usbong ng kanyang edad ay nanatili naman ang kanyang taglay na kagandahan at kasesksihan na noon pa man ay hinahangaan na ng marami sa kanya.




Si Sarah Lahbati ay kilala bilang isa sa mga magagandang aktres at modelo sa industriya ng showbiz. Maliban pa dito, ay batid rin ng publiko kung gaano siya kabuting ina sa kanyang dalawang anak, at mapagmahal na asawa sa mister niyang si Richard Gutierrez.

Photo Credit: sarahlahbati/Instagram

Hindi naman maikakaila kung gaano kahalaga kay Sarah ang kanyang pamilya, dahil sa kabila ng kanyang pagiging abala sa kanyang trabaho, ay sinisigurado naman niyang mas malaki pa rin ang nailalaan niyang oras sa kanyang asawa at mga anak.

Photo Credit: sarahlahbati/Instagram

Madalas ngang mag-bonding sa isang bakasyon si Sarah kasama ang kanyang mister na si Richard at ang kanilang dalawang anak, kaya naman talagang malapit nila ng mag-asawa sa anak nilang sina Zion at Kai.

Photo Credit: sarahlahbati/Instagram

Samantala, kamakailan nga lamang ay nagdiwang ng kanyang kaarawan si Sarah Lahbati. Hindi naman pinalagpas ng kanyang mister na si Richard ang pagkakataon na ito para siya’y bigyang kaligayahan sa mahalagang okasyon ng kanyang buhay.

Photo Credit: sarahlahbati/Instagram

Sa tulong ng mga mahuhusay at popular na event decorator, ay nabigyan ni Richard ng isang “magical” experience ang misis niyang si Sarah para sa ika-28 taong kaarawan nito.
Masayang ibinahagi ng aktres at modelo sa kanyang Instagram account ang ilang mga larawan na kuha sa naging pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan.

Photo Credit: sarahlahbati/Instagram

At dahil nga sa talaga namang napaka-magical nito ay maraming mga netizens ang kinahumalingan ito at kinamanghaan. “and into the forest I go, to lose my mind and find my soul”, ani Sarah sa unang bahagi ng kanyang caption.

Dagdag na pahayag pa ni Sarah, hindi niya lubos maibahagi kung anong klaseng kagalakan ang kanyang nararamdaman, dahil sa naging ‘effort’ ng kanyang asawa para lamang maging ‘unforgettable at magical’ ang pagdiriwang niya ng kaarawan.

“can’t even begin to find the words to describe how epic and magical last weekend was”, saad pa niya.

Ang pagdiriwang ni Sarah ng kanyang ika-28 taong gulang na kaarawan ay naganap sa Tanay, Rizal, kung saan nagkaroon silang pamilya ng isang camping trip, at dito na rin inihanda ng kanyang mister na si Richard ang napaka-magical na experience para sa kanya.

Lubos naman ang pasasalamat ni Sarah para sa lahat ng taong nasa likod ng masayang pagdiriwang ng kanyang kaarawan. At siyempre may sweet message din siya para sa kanyang mister na si Richard na nangunang mag-organize ng kanyang magical celebration.




“lastly, to the brains & heart of this trip, our dada my love @richardgutz for turning this idea into the reality. Thank you, for this unforgettable trip and for tirelessly working on making sure this was going to be epic for all of us. I LOVE YOU!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *