Sulyapan ang Walang Kupas Na Kagandahan Ni Thalia Bilang ‘Marimar’ Sa Edad Na 49 Taong Gulang

Bago pa man kakiligian at kaadikan ng maraming mga manonood ang mga Korean drama series ngayon ay mas naunang minahal at nagbigay kilis sa marami ang mga Mexican Telenovela sa ating bansa.




Marami nga naman sa mga Pinoy ang talaga namang nahumaling at sumubaybay sa mga Mexican telenovela, lalo na nga ang istorya nito na patungkol sa pag-iibigan na nagbibigay kilig nga sa maraming mga manonood.

Photo Credit: thalia/Instagram

Isa nga sa mga pinaka-popular at naging sikat na Mexican telenovela noon na talaga namang minahal at tumatak sa puso ng maraming Pinoy ay ang “Marimar”, na pinagbidahan nga ng Mexican actress na si Thalia.

Photo Credit: thalia/Instagram

Hindi maikakailan na si Thalia, ay lubos na hinangaan at minahal ng marami nating mga kababayan dahil sa kanyang naging pag-ganap bilang si Marimar.

Photo Credit: thalia/Instagram

Samantala, ilang taon na nga rin ng mapanood natin sa ating mga telebisyon ang orihinal na bersyon ng ‘Marimar’, kaya naman marami rin ang talagang nakaka-miss sa atin sa Mexican actress na si Thalia. Kaya naman tanong ng marami, kamusta na nga ba si Thalia, at ano na ang pinagkaka-abalahan nito ngayon.

Photo Credit: thalia/Instagram

Ang tunay na pangalan ni Thalia o nakilala nga ng marami bilang si Marimar ay Ariadna Thalia Sodi Miranda Mottola. Siya ay nasa 49-taong gulang na ngayon. Maliban sa pagiging isang Mexican actress ay isa rin siyang singer, songwriter, producer at entrepreneur.

Photo Credit: thalia/Instagram

Isa rin siya sa mga kinikilala bilang success and influential Mexican artists sa buong mundo, dahil bukod sa kanyang native Spanish na lenggwahe ay kanya niya ring kumanta na gamit ang iba pang mga lenggwahe tulad ng English, French, Portuguese at Filipino.

Lingid naman sa kaalaman ng marami halod tatlong dekada ang naging kontribusyon ni Thalia sa Latin pop music, kaya naman kinilala din siya bilang ‘Queen of Latin Pop’ ng international media.

Dahil sa kanyang angking husay at talent ay napakarami na nga niyang nakamit na parangal, at ang nakamamangha pa ay halos nasa 25-milyon na records na ang naibenta niya sa buong mundo.

Hindi nga lamang ang talento at husay ni Thalia bilang isang matagumpay na personalidad sa buong mundo ang hinahangaan sa kanya. Dahil kahanga-hanga rin ang taglay niyang kagandahan na hanggang ngayon nga ay makikita na wala pa rin itong kakupas-kupas kahit na siya ay nasa 49-taong gulang na.

Makikita sa mga larawan niya, na sa edad niyang 49 ay tila walang nagbago sa kanyang hitsura, at maging ang kaseksihan na taglay niya noon ay patuloy niyang napapanatili sa kanyang pangangatawan.




Sa ngayon nga ay mayroon ng pamilya si Thalia at halos na dalawang dekada na silang kasal ng kanyang asawa, ito nga ay matapos niyang ikasal sa music executive na si Tommy Mottola noong buwan ng Disyembre taong 2000. Silang mag-asawa nga ay nabiyayaan na ng dalawang anak, at ito nga ay sina Sabrina Sakae Mottola Sodi, edad 12 at Matthew Alejandro Mottola Sodi, edad 8.

Maliban sa kanyang karakter na si Marimar, ay hinangaan at minahal rin si Thalia ng mga Pinoy bilang ang mga naging karakter niya sa iba pang Mexican teleserye gaya ng Maria Mercedes, Maria la del Barrio, Rosalinda. Quinceaño at marami pang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *