Sunshine Cruz Ibinahagi Kung Gaano Siya Ka Proud Sa Anak Niyang Si Samantha

Masayang ibinahagi ng aktres na si Sunshine Cruz sa kanyang social media account ang naging pagbati niya sa kanyang anak na si Samantha Angeline. Ito ay dahil sa matagumpay nga na natapos ng anak ng aktres ngayong taon ang pag-aaral nito sa Junior High School.




“Congratulations Sam! It is such a heart filling moment seeing you graduate from Junior High School onwards to Senior High. These are definitely moments that cannot be replaced” saad nga ni Sunshine sa kanyang IG post.

Photo Credit: sunshinecruz718

Bilang isang magulang ay proud na proud ang aktres sa kanyang anak, lalo na’t batid natin na sa sitwasyon ngayon ay tunay ngang hindi madali ang pag-aaral, idagdag pa na nasa mundo na ng showbiz ang kanyang anak na si Samantha ngunit nagawa pa rin nitong pagsabayin ang pag-aaral at ang kanyang showbiz career.

Photo Credit: sunshinecruz718

Sa Instagram ng aktres ay makikita ang naging pag-post niya ng mga larawan ng kanyang anak na si Samantha, kung saan ay makikita na ito ay nakasuot ng kanyang school uniform at may hawak na tablet, dahil sa ito ang gamit ng anak para sa moving up ceremony nila na ginanap lamang online.

Photo Credit: sunshinecruz718

Nakalakip din sa post na ito ni Sunshine ang video ng nasabing online graduation ng anak niyang si Samantha. At maririnig pa nga sa video ang naging pag bati ni Sunshine sa anak ng “Congratulations”nang tawagin na ang pangalan ni Samantha.

Makikita rin sa mga larawan ng anak ni Sunshine na si Samantha ang labis nitong kaligayahan sa naging matagumpay niyang pagtatapos sa Junior High School.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)

Samantala, maliban pa nga sa pagbati sa kanyang anak, ay pinasalamatan rin ni Sunshine ang anak niya si Sam, sa pagtupad nito ng pangako sa kanya, na kahit na pinasok na nga nito ang mundo ng showbiz ay magsusumikap pa rin ito na matapos ang kanyang pag-aaral.




“Thank you for fulfilling your promise to me that even if you have started your career in show business and have been busy, you still made sure that you made your studies a top priority in your now many obligations. We love you Sam!”

Sa ngayon ay opisyal na miyembro ng Star Magic Family si Samantha at napapanood nga natin siya sa ASAP stage kasama ang iba pang mga kapwa niya mag-aawit na miyembro ng ASAP’s Gold Squad Plus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *