Sunshine Cruz Inisa-isa Ang Mga Gwapo At Sikat Na Aktor Na Nanligaw at Binasted Niya Noon

Isa ang aktres na si Sunshine Cruz sa mga artistang babae na may magandang mukha sa industriya ng showbiz, kaya’t hindi na nga magiging katakataka kung siya ay magkaroon ng maraming manliligaw sa loob man ito o labas ng industriya.

Photo Credit:sunshinecruz718/Instagram

Ilan sa mga manliligaw ng aktres na si Sunshine noon ay ang mga gwapo at sikat na aktor na kanyang mga kaedaran at kasanayan sa showbiz at sa kanyang naging panayam sa isang programa ay inisa-isa ng aktres ang mga aktor na nanligaw sa kanya at ito ay sina:




1. Joko Diaz

Photo Credit:akosijokodiaz/Instagram

Ang aktor na si Joko Diaz ay isa sa mga nanliligaw kay Sunshine na kanyang binusted noon, ngunit ayon sa aktres ay ipinakilala niya si Joko sa isa niyang kaibigan na siya namang naging kasintahan nito. Ang kasalukuyang asawa din ni Joko ngayon ay kaibigan din ni Sunshine.

2. Tonton Gutierrez

Photo Credit:#tontongutierrez/Instagram

Dahil labis ang paghanga sa aktres na si Sunshine ay nagpatattoo pa daw noon si Tonton ng pangalan ni Sunshine sa kanyang dibdib. Ayon kay Sunshine ay pinayagan niya ang aktor na siya ay ligawan nito ngunit dapat ito ay handang mag-antay sa kanya, at dahil nasa 17 pa lamang ang kanyang edad at kanyang career pa ang kanyang prioridad ay hindi rin niya sinagot ang nasabing aktor.

Pinagsabihan pa nga daw si Sunshine noon ni Mother Lolit ang manager ni Tonton na nagpatattoo pa umano ang kanyang alaga yun naman pala ay babustedin lang din niya ito.

3. Keempee De Leon

Photo Credit: kimpster888/Instagram

Ayon naman kay Sunshine ay si Keempee ang kanyang manliligaw na halos ilang beses siyang niligawan, ngunit kahit matyaga ang aktor sa panliligaw at mabuti rin itong tao ay hindi pa rin ito humantong na magkaroon sila ng relasyon.

4. Kier Legaspi

Photo Credit via Google

Sinabi naman ni Sunshine na kahit pa nga gwapo at may itsura ang aktor na si Kier ay hindi naman ito ang tipo niyang lalaki kaya’t hindi rin niya ito sinagot.

5. Raymart Santiago

Photo Credit:raymartsantiago/Instagram

Inamin naman ni Sunshine na sa lahat ng mga aktor na nanliligaw sa kanya ay si Raymart ang kanyang pinaka nagustuhan. Nagkaroon pa ng araw noon ng hindi pagkakaintindihan si Raymart at Kempee dahil umano sa panliligaw sa kanya ng aktor ngunit sinabi umano ni Raymart na may karapatan siya na ligawan ang aktres dahil hindi naman ito naging nobya ni Keempee.

Video Credit YouTube:

Ayon din kay Sunshine ay gentleman ang aktor ngunit dahil sa tuwing lumalabas sila para magdate ay maraming kasamang alalay si Sunshine ay nagsawa din umano ito sa panliligaw sa kanya.




Bago nga matapos ang panayam kay Sunshine ay inamin ng aktres na ang kanyang dating asawa na si Cesar Montano ang kanyang naging kauna-unahang nobyo. Bagama’t maraming mga intrigang ang kanilang pinagdaanan sa kanilang paghihiwalay bilang mag-asawa ay hindi naman daw pinagsisihan ng aktres na si Ceasar ang naging ama ng kanyang mga anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *