Sunshine Cruz, Inisa-isa Ang Mga Gwapo At Sikat Na Aktor Na Nanligaw at Binusted Niya Noon

Bilang isang Pilipino, isa sa ating mga tradisyon ay ang panliligaw. Ito ay isang panunuyo ng mga lalaki sa mga babae upang hingin ang kanilang puso na maging kasintahan ng nila. Marami ang pinagdadaanan ng mga lalaki upang masagot lamang ang matamis na “oo” ng isang babae lalo noong unang panahon. Siyempre, sa lahat ng mga manliligaw ng isang babae, isa lamang ang kaniyang sasagutin at maaari rin siyang tumanggi sa panunuyo nito.

Photo Credit: sunshinecruz718/Instagram




Pero paano kung sa sobrang ganda mo, puro gwapo ang manligaw sa iyo? Paano ka pipili? Para kay sa aktres na si Sunshine Cruz, marami na ang nanligaw sa kaniya ngunit marami na rin siyang binasted. Hindi lamang ito mga simpleng tao kung hindi mga kapwa niya ring mga artista. Narito ang ilan sa mga lalaking nabasted ng isang Sunshine Cruz.

1. Joko Diaz

Photo Credit: akosijokodiaz/Instagram

Bagama’t binasted ni Sunshine si Joko, bumawi raw siya sa pamamagitan ng pagpapakilala niya kay Joko sa isa nitong kaibigan na siya namang naging kasintahan nito. Sinabi rin ni Sunshine na kaibigan niya ang kasalukuyang asawa ngayon ni Joko.

2. Tonton Gutierrez

Photo Credit: #tontongutierrez/Instagram

Nagpatattoo pa raw noon si Tonton ng pangalan ni Sunshine sa kanyang dibdib upang mapatunayan niya ang kanyang pagmamahal sa actres. Pinayagan naman raw siya ng aktres na manligaw ngunit kailangan niya ng maghintay para sa kanyang sagot. Dahil nga 17 taong gulang pa lamang noon at busy ang schedule sa pag-aartista, hindi raw nag-workout ang panliligaw ni Tonton. Sa katunayan, pinagsabihan pa raw siya ni Lolit Solis, manager noon ni Tonton, na nagpatattoo pa raw ang kanyang alaga ngunit hindi lang pala sasagutin ni Sunshine.

3. Keempee De Leon

Photo Credit: kimpster888/Instagram

Si Keempee ang may pinakamaraming beses na nanliligaw kay Sunshine. Ayon kay Sunshine, 4 na beses raw itong nanligaw at bagamat napakabait na tao, hindi pa rin ito natuloy sa pagiging magkasintahan.

4. Kier Legaspi

Photo Credit: kier legaspi/Google

Sa kabila ng kakisigan ng histura ng aktor, hindi raw siya ang type ni Sunshine noon.

5. Raymart Santiago

Photo Credit: raymartsantiago/Instagram

Sa lahat raw ng nanliligaw kay Sunshine, si Raymart raw ang kanyang pinaka nagustuhan. Sa katunayan, nag-away pa nga raw si Raymart at Keempee dahil umalma umano si Keempee na siya ang unang nanligaw. Rason naman ni Raymart, may karapatan pa siyang manligaw dahil hindi pa naman daw siya sinagot ni Sunshine.

Video Credit: Tonight with boy abunda/YouTube

Gentleman si Raymart ayon kay Sunshine. Ngunit nagsawa ito dahil sa tuwing lalabas sila ay napakadaming kasamang alalay ni Sunshine.
Sa huli, inamin ni Sunshine na si Cesar Montano raw ang kaniyang kauna-unahang naging nobyo. At para sa kanya, hindi niya naman raw pinagsisihan na si Cesar ang maging tatay ng kanyang mga anak.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *