Talagang Artistahin Looks Ang Anak Nina Jennylyn Mercado At Patrick Garcia Na Si Alex Jazz

Nito lamang araw ng Lunes, ika-7 ng Disyembre ay naglabas ng panibagong larawan ni Jennylyn Mercado kasama ang anak nitong si Alex Jazz, ang manager ng aktres na si Becky Aguila sa kanyang Facebook page, kung saan ay umagaw ng pansin sa mga netizens ang larawan na ito ng mag-ina.




Marami nga sa mga netizens ang talagang nakapansin sa napakagwapong anak ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz.

Photo Credit: mercadojenny/Instagram

“Pogi’ at “mas gwapo” sa tatay, ito nga ang karamihan sa mga naging reaksyon ng mga netizens sa larawan ni Alex Jazz, na anak nga ng aktres na si Jennylyn Mercado sa kanyang dating nobyong aktor na si Patrick Garcia.

Photo Credit: mercadojenny/Instagram

Ngayon nga ay 12-taong gulang na si Alex Jazz, at sa susunod na taon ay tutongtong na ito sa teenage stage, kaya naman ay magkakaroon na si Jennylyn Mercado ng teenage son na “heartthrob in the making.”

Photo Credit: mercadojenny/Instagram

Matatandaan na si Alex Jazz ay isinilang noong ika-16 ng Agosto taong 2008. At dahil nga parehong mga kilalang personalidad sa industriya ng showbiz ang kanyang mga magulang, ay talaga namang nasubaybayan ng publiko ang kanyang naging paglaki.

Photo Credit: mercadojenny/Instagram

Samantala, naitanong naman sa manager ni Jennylyn Mercado na si Becky Aguila, ng Cabinet files, kung anon a ang “height” ngayon ni Alex Jazz, at ang naging saad nga nito ay “He is quite a tall boy for his age.”

Photo Credit: mercadojenny/Instagram

Para naman sa aktres, ang kanyang anak na si Alex Jazz ang kanyang inspirasyon sa buhay, at ito ang kanyang itinuturing na kayamanan at pinakalamaking biyaya na kanyang natanggap sa kanyang buhay.

Photo Credit: mercadojenny/Instagram

Sa naging panayam nga noon kay Jennylyn Mercado, ay sinabi nito na mula ng dumating sa buhay niya ang kanyanga anak na si Alex Jazz, ay angsunod-sunod ang pagdating ng blessings sa kanya.




“Na-feel ko ‘yan nung paglabas pa lang ni Jazz, dire-diretso na yung blessings. God, hindi ako pinabayaan kahit ako lang mag-isa”, ang naging saad nga ng aktres.

Inamin rin noon ni Jennylyn, na hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan, at hindi madali ang maging isang single mom, ngunit naging madali at simple ang lahat, dahil kasama niya sa kanyang buhay ang kanyang ispirasyon at lakas, at ito nga ay si Alex Jazz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *