Tambalan Nila Noon Dati Ni Kim Chiu Isang Stepping Stone Raw Para Kay Gerald Anderson

Makulay at magulo ang mundo ng showbiz. Bawat galaw mo ay may maraming mata ang nakatingin. Bawat taong makakasama mo ay magagawa ng isyu. Pero wala tayong magagawa, iyan ang showbiz. Isa lamang ito sa kailangan harapin ng mga artista araw-araw. Hindi rin kasi biro ang kanyang pinagdaanan bago makamit ang tunay at ganap na kasikatan. Kailangan nilang maitambal sa iba’t-ibang tao upang madala ang kanilang pangalan sa industriya hanggang sa makagawa sila ng kanilang sariling reputasyon at imahe.




Kaya naman, laking pasasalamat ni Gerald Anderson sa kanilang naging tambalan ni Kim Chiu. Matatandaang nagsimula ang tambalang KimErald nang matapos ang programang Pinoy Big Brother Edition. Sa loob pa lang kasi ng bahay ni Kuya ay makikita na ang chemistry ng dalawa kung kaya’t hindi na rin nakapagtataka ng may mga fans na ang dalawa nang lumabas sila sa bahay ni Kuya.

Ayon kay Gerald, malaki raw ang pasasalamat niya at pakiramdam niya’y biniyayaan siya dahil sa kanilang tambalan ni Kim Chiu. Sinabi rin ni Gerald na malaki rin ang kanyang paghihirap bago niya marating ang kung anong meron man siya ngayon.
Pagsunod-sunod kasi ang mga proyekto nilang dalawa ni Kim Chiu nang mabuo ang KimErald noong 2006.

“Sana Maulit Muli” ang kanilang naging unang programa kung saan silang dalawa ang bida. Taong 2008 naman nang regaluhan ni Gerald Anderson si Kim Chiu ng sasakyan at 2009 naman nang kompirmahin ng dalawa ang kanilang relasyon.
Matapos nito, nakailang pelikula na rin ang dalawa bago sila tuluyang maghiwalay bilang love team at bilang magkasintahan.

Sa kasalukuyan, si Xian Lim ang boyfriend ngayon ni Kim Chiu habang nasa on-and-off relation naman ngayon sina Bea Alonzo at Gerald Anderson. Bagama’t ganito ang kinahinatnan ng dalawa, makikita naman kung gaano ka-successful ang dalawa sa kanilang larangan. Mayo 15 nang ipalabas sa mga sinehan ang Between Maybes na pinagbibidahan ni Gerald Anderson at Julia Barretto.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *