Tambalang Alessandra De Rossi At Empoy Marquez Muling Magsasama At Magbibigay Kilig Sa Isang Pelikula

Muli ngang magsasama sa isang pelikula ang tambalang Alessandra de Rossi at Empoy Marquez, na paniguradong aabangan na naman ng maraming mga manonood, lalo na ng kanilang mga tagahanga.




Matatandaan na minsan na tayong pinakilig ng tambalang Alessandra at Empoy, at ito ay sa kauna-unahang pelikula na pinagsamahan nila, ang “Kita Kita”.

Photo Credit: msderossi/Instagram

Taong 2017 ng maging box office hit ang pelikula na ito ng dalawa, dahil sa talaga namang napakaganda ng naging takbo ng istorya nito, idagdag pa nga ang nakakakilig na chemistry nina Alessandra at Empoy.

Photo Credit: msderossi/Instagram

Dahil sa naging pagtangkilik ng publiko sa tambalan ng dalawa, ay muli na naman ngang binigyan ng pagkakataon sina Empoy at Alessandra, na magbigay kilig sa publiko, at mas lalo pang ipakita ang napakagandang chemistry nilang dalawa.

Photo Credit: msderossi/Instagram

Ayon nga sa mga naging ulat, “Walang Ka-Paris”, ang magiging titulo ng panibagong pelikula ng mag-on-screen partner, kung saan ay sinisimulan na ang pag-shoot nito.

Photo Credit: msderossi/Instagram

Si Sgrid Andrea P. Bernardo, na siya ring direktor at mahusay na manunulat ng unang pelikula ng dalawa na “Kita Kita” ang magiging direktor rin ngayon ng bago nilang pelikula.

Photo Credit: msderossi/Instagram

Makikita nga sa Instagram account ng direktor na si Sigrid, ang naging pagbabahagi nito ng ilang mga larawan, na kuha umano sa set ng “Walang Ka-Paris.” Kung saan ay pinasalamatan niya ang team na bumuo sa nasabing pelikula, kasabay rin ang pagbibigay update na natapos na nilang i-shoot ang unang kabanata nito.

Photo Credit: msderossi/Instagram

“Day 5. Done with our firs leg of shoot. Congratulations team #WalangKaParis! Thank you and see you next year! Merry Christmas and a Happy New Year!”

Photo Credit: msderossi/Instagram

Kitang-kita naman sa mga pa-trailer na larawan, na tila isang napakaganda na namang pelikula ang “Walang Ka-Paris” nina Empoy at Alessandra, kaya naman talagang excited na ang marami nilang mga tagahanga, na maipalabas na ang pelikula.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alessandra De Rossi (@msderossi)

Nakatakdang ipalabas ang pelikulang “Walang Ka-Paris” ngayong taong 2021, kung saan ay pinagsama itong iprodyus ng dalawang film company, ang Spring Film at Viva Film.
Nagbigay naman ng kanilang mga komento at reaksyon ang mga netizens, patungkol sa muling pagsasama at pagtatambal ng kanilang mga iniidolo sa isa na namang panibagong pelikula.




“Can’t wait for your movie.. I’ve watched Kita Kita for 1million times already! That’s how I loved your team up and of course the story. Just sad that up to now, Through Night and Day is still not on US Netflix.”

“Nakakasabik na muli kayong makita sa iisang pelikula.” “Excited na sa movie niyo together.” “Papanoorin ko tooooooo po.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *