Tambalang ‘FranSeth’ Pinakilig Ng Husto Ang Kanilang Mga Tagahanga

Kapamilya star na sina Francine Diaz at Seth Fedelin, muling ipinamalas ang kanilang ‘chemistry’ ng magsama sa music video ng awitin ni Ace Banzuelo na ‘Muli.’
Sa mga sikat na bituin ngayon sa mundo ng showbiz, ay kabilang sina Francine Diaz at Seth Fedelin sa talaga namang matunog ang pangalan,




at tuloy-tuloy lamang ang mga proyektong natatanggap sa kanilang karera. Hindi rin maikakaila ang pagkakaroon ng ‘chemistry’ ng dalawa, kaya naman sa pinagsamahan nilang proyekto ngayon kung saan ito ay sa music video ng awiting ‘Muli’ ay marami na naman ngang netizens ang pinakilig ng dalawa.

Image Credit via Instagram

Inilabas noon lamang ika-3 ng Hulyo 2022 ang music video ng ballad ng awiting ‘Muli’ ni Ace Banzuelo, at sina Francine at Seth nga ang bumida sa kuwento nito. Gumanap ang dalawa bilang magkasintahan na labis na nagmamahalan at masaya sa kanilang relasyon, ngunit dumating ang pagkakataon na nagkahiwalay din.

Image Credit via Instagram

Sa Instagram naman ng dalawang Kapamilya star ay makikita ang naging pagbabahagi nila ng music video na pinagsamahan nila. At hindi naman talaga maikakaila na masaya sina Francine at Seth dahil sa magandang kinalabasan nito.

Image Credit via Instagram

Matatandaan na ang awiting ‘Muli’ ni Ace Banzuelo ay ini-released noon pang taong 2020, kung saan siya din mismo ang sumulat at nag-produced nito. Samantala, ayon naman sa director ng naturang music video na si Jake Soriano, ay ngayon laman niya nakitang gumawa ng ‘nuanced peroframance’ sina Francine at Seth, ito ay kanya ngang inilahad ng makapanayam siya ng One Music Ph.

Image Credit via Instagram

Agad namang humakot ng 1.2 million views ang music video ng “Muli” mula nga ng ito ay inilabas, ayon sa ulat ng press. Kasalukuyan din umanong nasa fourth trending spot sa music sa YouTube Philippines ang naturang music video.

Lumalabas naman na music video na ito ay tila isa ring ‘prelude’ ng tambalan nina Francine at Seth, lalo na’t malapit nan gang umere ngayong taon ang kauna-unahang on-screen pairing ng dalawa. Ayon sa ulat ay magkakaroon nga ng teleserye ang FranSeth at ito nga ay may pamagat na “Dirty Linen.”




Parehong Kapamilya star sina Francine at Seth na ngayon ay hinahangaan ng marami. Matatandaan na nagsama sila sa hit series na ‘Kadenangh Ginto’ noong taong 2019, kung saan ay may kanya-kanyang loveteam sila, dahil si Francine ay katambal ni Kyle Echarri samantala si Seth naman ay si Andrea Brillantes ang katambal sa naturang palabas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *