Team Kramer Naisakatuparan Ang Pangarap Na Bahay Ng Kanilang Kasambahay Na Si Yaya Joy

Muling Tinupad ng Team Kramer ang pangarap ng kanilang kasambahay, Yaya Joy’s Dream Home Ang team Kramer ay binubuo ng limang miyembro ng pamilya, ito ay sina Doug, Cheska, Kendra, Scarlet at Gavin.

Image Credit via Google




Ang haligi ng pamilyang ito ay si Doug Kramer, kilala bilang isang sikat na manlalaro ng basketball, si Cheska Kramer naman ang ilaw ng pamilyang ito na isa namang kilalang teen idol sa mundo ng showbiz. Ang kanilang tatlong supling ay sina Kendra ang panganay, Scarlet ang pangalawa at ang bunsong si Gavin.

Image Credit via Google

Kilala ang pamilyang Team Kramer sa mga endorsement na kanilang ginagawa sa telebisyon, kilala din sila sa pagkakaroon ng youtube channel na kung saan ay sinusubaybayan ng mga social media user at kanilang mga subscriber. Ang kanilang pamilya ay may maayos na pamumuhay na kung saan sila ay nakapag pundar na ng magandang tahanan sa Laguna.

Image Credit via Google

Ilang beses na rin ipinakita ng Team Kramer ang kanilang bahay sa kanilang mga tagahanga at subscribers sa pamamagitan ng kanilang Youtube channel at Instagram.

Image Credit via Google

Matatandaan na nitong nakaraan lamang ay sinorpresa ng team Kramer ang kanilang kasambahay, dahil maliban sa pagkakaroon ng mga ito ng maayos na lugar at matutuluyan sa bagong tahanan ng team Kramer ay binilhan din ito ng pamilya ng bagong automatic washing machine upang hindi na mahirapan pa maglaba ang mga ito at mapadali ang gawain.

Image Credit via Google

Ngunit hindi pa pala dito nagtatapos ang sorpresa ng team Kramer, lalo na sa kanilang yaya na si Yaya Joy. Ayon sa team Kramer si Yaya Joy, ay isang napakabuting kasambahay, ang kanilang anak ay hindi nito itinuturing na basta alaga lang niya bagkus ay inaruga niya ito at minahal na parang pamilya nito.

Image Credit via Google

Kaya’t upang mabigyan ng kasiyahan ang kanilang yaya Joy, ang kanilang regalo ngayong darating na pasko sa kanilang butihing Yaya ay ang pagrerenovate at pagpapaayos ng bahay nito sa probinsya.

Image Credit via Google

Makikita sa larawan na ibinahagi ng team Kramer ang dating buhay ni yaya Joy sa probinsya na kung saan ay sa tingin pa lang ay mukhang pag dinaanan ng malakas na bagyo ay bibigay na nga ito.Katulong ng mag-asawang Kramer ang Netflix Philippines sa pagpapaayos ng nasabing bahay.

Image Credit via Google

Ibinahagi din ng team Kramer na simula pa noong nagtatrabaho sa kanila si yaya Joy, ay pinag iipunan na umano nito ang pagpapaayos at pagpapagawa ng kanilang bahay sa probinsya upang maging komportable ang ina nito at ang kanyang anak.

Image Credit via Google

Kaya’t laking tuwa at pasasalamat ni Yaya Joy sa kanyang mga amo ng makita ang bagong itsura ng kanilang bahay. Ayon sa kasambahay masaya siya at mas mapapanatag na ang kanyang kalooban dahil alam niya na ang kanyang ina at ang kanyang mga anak ay may maayos na tirahan sa kanilang probinsya.




Napakabuti nga talaga ng puso ng pamilya team Kramer, dahil ang mga biyayang natatanggap nila sa kanilang buhay ay ibinahagi nila sa ibang tao, katulad na lamang ng kanilang mga kasambahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *