Teen-Actress Na Si Jillian Ward Siya Na Nga Ba Ang Susunod Na Marimar

Natatandaan nyo pa ba ang cute little girl na gumanap noon sa seryeng Trudis Bulilit? Siya ay walang iba kundi si Jillian Ward, isa sa mga teen actress na ngayon, na talaga namang agaw-pansin ang ganda.



Agaw-pansin at usap-usapan nga ngayon sa social media ang teen-actress na si Jillian Ward. Ito ay matapos siyang bansagan ng ilang mga tagahanga at netizens, bilang ang dalaga umano ang magiging bagong Marimar, ng kanyang henerasyon.
Photo Credit: jillian/Instagram
Ito ay matapos ilabas ni Jillian ang isa niyang video, kung saan ay sinabi niya ang theme music ng telenovela Marimar, na agad naman naging viral online.
Photo Credit: jillian/Instagram
Sa video na ito ng teen-actress ay makikita na siya ay nakasuot ng puting beach dress, habang sumasayaw nga ng tugtuging ‘Marimar’ sa may dalampasigan.
Photo Credit: jillian/Instagram
Kung aking tatandaan, ang “Marimar”, ay isang Mexican telenovela na pinagbibidahan ng mexican actress na si Thalia, ngunit ito ay binigyan ng Pinoy version ng Kapuso Network kung saan ay sina Kapuso King at Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang gumanap bilang Sergio at Marimar.
Photo Credit: jillian/Instagram
Balik naman tayo kay Jillian Ward, mula nga sa isang cute little girl noon ay isa ng dalaga ngayon si Jillian, at dahil sa maraming mga netizens ang nakapanood ng video at humanga sa taglay na ganda at galing sa pag-indak ng dalaga ay binansagan na nga siya ng mga ito na susunod na Marimar sa Philippine showbiz.
Photo Credit: jillian/Instagram
Hindi nga naman ito magiging imposible, dahil maliban sa galing sa pagsasayaw ay magaling rin sa pag-arte ang dalaga, kaya naman talagang masasabi ng marami na bagay na bagay siya na gumanap sa iconic role.
Makikita rin naman sa mga larawan ni Jillian sa kanyang Instagram, na talaga namang napakaganda na niya ngayon. Hindi lang basta maganda, kundi nagtataglay rin siya ng balingkinitan katawan, na nakakadagdag sa kanyang karisma bilang isang dalaga.



Isa nga sa agaw pansin larawan ni Jillian sa kanyang Instagram ay ng nakasakay siya sa jetski, kung saan ay talagang makikita ang kanyang kaseksihan at kurba ng kanyang pangangatawan.
Mayroon ding larawan si Jillian na nasa dalampasigan, na ang suot naman niya ay beach dress na off shoulder. Ano ang masasabi niyo sa mga larawan ni Jillian Ward? At tingin niyo ba, siya nga ang susunod na Marimar?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *