Thai Actress Na Si P’Nam Ng “Crazy Little Thing Called Love” Mas Level-Up Ngayon Ang Taglay Na Kagandahan

Marahil ay marami sa atin ang nakapanood ng Thai-romantic-comedy na “Crazy Little Thing Called Love”, isang high school movie na ipinalabas noong taong 2010 na nagpakiilig sa maraming mga manonood. Ang pelikula na ito ay pinagbidahan ng Thai actress na si Pimchanok Luevisadpaibul at ng young Thai actor na si Mario Maurer.




Ang pelikulang ito ay patungkol sa dalawang estudyante na nasa high school na sina P’Nam at P’Shone. Si Pimchanok ang gumaganap sa karakter ni P’Nam na mayroong lihim na pagtingin sa campus heartthrob na si P’shone na ginagampanan nga ni Mario.

Photo Credit: baifernnbah/Instagram

Tumatakbo ang kuwento ito sa karakter ni Pimchanok na si P’Nam kung saan siya’y isang hindi kagandahan na dalaga na nagnanais na mapansin at magustuhan ng binatang kanyang hinahangaan na si P’Shone kung kaya naman para mapansin siya nito ay pinili niyang baguhin at i-improve ang kanyang sarili.

Photo Credit: baifernnbah/Instagram

Talaga namang pumatok sa napakaraming mga manonood ang pelikula na ito, dahil sa punong puno ito ng kilig at napakaganda pa ng istorya na tila nagbigay inspirasyon sa maraming mga kabataan na nakakaranas ng paghanga sa kanilang murang edad. At dahil dito ay matagal din itong umere sa takilya at ipinalabas pa nga sa iba’t ibang mga bansa.

Photo Credit: baifernnbah/Instagram

Ngunit matagal na panahon na nga nang masilayan natin ang pelikulang “Crazy Little Thing Called Love”, kaya marahil ngayon ay marami sa atin ang nais na malaman kung anon a ng aba ang buhay ng gumanap na si P’Nam na si Pimchanok na ngayon nga ay kilala na bilang si Baifern.

Photo Credit: baifernnbah/Instagram

Para sa kaalaman ng lahat, hindi nga lamang sa sikat na pelikula na ‘Crazy Little Called Love’ mapapanood ang Thai Actress, dahil maliban dito ay napakarami pa niyang mga pelikula na pinagbidahan. Mayroon din siyang mga Drama,s, TV shows, series at music video na ginawa sa kanilang bansa.

Photo Credit: baifernnbah/Instagram

Dahil sa husay sa pagiging isang aktres ni Baifern ay na-nominee din siya sa iba’t ibang mga kategorya at ilang mga parangal na rin ang kanyang nasungkit.

Photo Credit: baifernnbah/Instagram

Base pa sa ibang mga naging ulat, maliban sa pagiging aktres ay endorser na rin siya ngayon ng iba’t ibang mga produkto, tulad na nga lamang ng mga beauty products, damit at sasakyan na kilala ang brand sa kanilang bansa.




Makikita naman ngayon sa kanyang mga bagong larawan na mula sa pagiging isang simpleng dalaga, bilang si P’Nam ay mas gumanda pa nga ito ngayon at talagang level-up ang kagandahan sapagkat mas naging mature na ang taglay nitong personalidad. Hindi na nga lamang mga cute at charming role ang ginagampanan niya ngayon, dahil may mga mature na role na rin siya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *