The Gold Squad Nag-House Raid Sa Bahay Ni Beauty Gonzales

Malamang marami na sa atin ang nakasubaybay sa programa ng ABS-CBN na “Kadenang Ginto.” Maliban sa mga maiinit na eksena nito, patok rin ngayon sa mga netizens ang mga memes mula rito. Bawat eksena ng ginagawa ng programang ito ay talagang tumatak sa mga manonood. Inaabangan ng mga manonood ang palaging tapatan nina Romina Mondragon at Daniella Mondragon-Bartolome na ginagampanan nina Beauty Gonzales at Dimples Romana. Marami na ring gumagaya sa mga eksena nina Cassie at Marga na siya namang ginagampanan nina Francine Diaz at Andrea Brillantes.

Photo Credit: The Gold Squad/Instagram




Pero nitong nakaraang araw lamang ay nagpahinga muna ang mga cast ng Kadenang Ginto sa mga maiinit na eksena ng programa. Naisipan ng The Gold Squad na kinabibilangan nina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri, at Seth Fedelin na bisitahin si Romina o Beauty Gonzales sa totoo nitong bahay. Masaya namang tinanggap ni Beauty ang mga kabataan sa kanyang bahay.

Pagpasok pa lamang ay mapapansin mo agad ang isang rebulto na gawa sa marmol. Ayon kay Beauty, ang rebultong marmol daw na iyon ay nanggaling pa mismo sa Romblon na siya namang sinang-ayunan ni Seth dahil siya raw ay taga Romblon. Bago sila makapasok sa mismong loob ng bahay ay pinaalalahanan ni Beauty ang mga bata na mag-ingat dahil marami siyang mga obra maestra sa loob. Tila isang museo ang loob ng bahay ni Beauty dahil sa daming mga paintings nito. Maliban pa rito ay mas marami ring mga rebulto ang makikita sa loob at karamihan ay mga santo.

Sa unang tingin ay napagkakamalan mo nga itong museo. Pinakita rin ni Beauty sa mga bata ang kanyang mga libro at mga komiks na kanyang kinolekta. Matapos ito, nilibot niya ang mga bata sa paligid ng kanyang bahay. Ipinaliwanag ni Beauty ang bawat sulok ng kanyang bahay. Bagama’t isang matapang na madrasta at palabang ina sa Kadenang Ginto, hindi natin aakalain na ang isang Romina Mondragon pala ay may ganitong koleksyon sa kanyang bahay.

Video Credit: Gold Squad/YouTube




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *