The Voice Kid Season Champion Na Si Lyca Gairanod Sinorpresa Ang Lola Sa Kanyang Kaarawan

Maliban sa ating mga magulang, ay marami din sa atin ang lumaki sa pag-aaruga at pangangalaga ng ating mga mahal na lolo at lola. At ang The Voice Kids Season 1 champion nga na si Lyca Gairanod ay isa lamang sa mga lumaki na nasa tabi niya ang kanyang lola, kaya naman malaki din ang pagmamahal niya para rito, lalo pa’t isa rin nga ito sa sumuporta at naniwala sa kanyang talento at kakayahan.




Kaya naman sa araw ng kaarawan ng kanyang lola, ay pinili ni Lyka na ito ay bigyan ng simpleng sorpresa upang maipadama niya rito ang pagmamahal at pagpapahalaga niya. Noon nga lamang buwan ng Pebrero ay nagdiwang ng ika-87 taong gulang na kaarawan ang Lola ni Lyca.

Image Credit via YouTube

Ibinahagi ni Lyca sa kanyang vlog ang kaganapan sa kaarawan ng kanyang lola, kung saan ito nga ay kanyang sinorpresa. Sa unang bahagi nga ng vlog, ay makikita na walang bakas ng kasiyahan sa hitsura ng lola ng singer-vlogger, ito ay dahil tila nga nakalimutan na ng pamilya niya ang kanyang kaarawan.

Image Credit via YouTube

Ang hindi naman nababatid ng lola ni Lyca ay may sorpresa pa lang inihanda para sa kanya ang apo niya, kung saan pagka-uwi niya niya ng tahanan ay labis ang nadama niyang kasiyahan ng tumambad sa kanya ang sorpresa sa kanya ni Lyca, at ito nga ay ang simpleng handaan para sa kaarawan niya.

Image Credit via YouTube

maliban pa dito, ay may isang tao rin na pinakausap si Lyca sa kanyang lola sa telepono, ayon kay Lyca ang taong ito ay mahalaga sa kanyang lola, ngunit hindi nga ito nakadalo sa nasabing okasyon.

Image Credit via YouTube

Bakas naman ang kasiyahan sa mukha ng lola ni Lyca ang labis na kasiyahan sa sorpresa nga na inihanda sa kanya ng apo niyang si Lyca.

Image Credit via YouTube

Video Credit YouTube

Nagbigay naman ng mensahe si Lyca para sa kanyag lola, kung saan ito nga ay kanyang pinasalamatan para sa lahat ng ginawa nito para sa kanya. Pagbabahagi pa ng singer-vlogger, ang kanyang lola ay isa sa mga taong sumuporta sa pag-abot niya ng kanyang pangarap.




Maraming mga netizens naman ang natuwa sa sorpresa na ito ni Lyca para sa mahal niyang lola, dahil talaga namang makikita kung paano ipinadama ng singer vlogger ang kanyang pagmamahal sa lola niya. Ilan sa mga netizens din ang napaabot ng kanilang pagbati ng ‘maligayang kaarawan’ sa lola ng singer-vlogger.

Leave a Reply

Your email address will not be published.