The Voice Kids Grand Winner Elha Nympha Pinamangha Ang Mga Netizens Sa Kanyang Mga Glow-Up Photos

Ilan sa mga batang artista ngayon sa showbiz ang nagkaroon ng nakamamanghang puberty glow up na talaga namang ikinamangha at ikinagulat ng marami nilang mga naging tagahanga.




Tila nga ng magkaroon ng pandemya, kung saan ay marami sa mga kabataan ang nanatili lamang sa loob ng tahanan ay tila naging daan ito upang mabigyan ng pokus na maalagaan ang kanilang sarili hindi lang sa kalusugan kundi maging sa pisikal na pangangatawan.

Photo Credit: elhamaenymphaofficial/Instagram

Halimbawa na nga lamang nito ay ang The Voice Kids Season 2 Grand Winner na si Ehla Nympha, na halos hind inga nakilala ng kanyang mga tagahanga at maraming mga netizens dahil sa naging malaking pagbabago sa kanyang pisikal na awra, ngayon na ito ay nagdadalaga na.

Photo Credit: elhamaenymphaofficial/Instagram

Matatandaan nga noong una nating napanood si Ehla sa telebisyon ay batang-bata pa ito, kung saan ay kanya ngang ipinamalas ang husay niya sa pag-awit. Ngunit ngayon nga, na halos ilang taon lamang ang lumipas ay makikita na ang pagiging isang ganap na dalaga ng batang singer.

Photo Credit: elhamaenymphaofficial/Instagram

Napansin nga ng marami ang naging malaking pagbabago ni Ehla ng ito ay magbahagi sa kanyang social media account ng larawan niya kung saan siya’y nakasuot ng bikini. At ang larawan nga na ito ni Ehla ay talaga namang ikinamangha ng mga netizens, dahil hindi nila inakala na ang dating chubby na bata na mahusay umawit ay isa ng napakaganda at seksing dalaga ngayon.

Photo Credit: elhamaenymphaofficial/Instagram

Ayon sa ulat ang larawan na ito ni Ehla ay kinunan habang sila ay nasa bakasyon sa Bolinao, Pangasinan. Ibinahagi naman ni Ehla na nagsimula ang malaking pagbabago sa kanyang sarili ng magkaroon ng krisis, kung saan habang walang masyadong pinagkaka-abalahan ay naisipan niya ang mga ehersisyo sa loob ng kanilang tahanan, at sinabayan niya rin ito ng tamang pagdyedyeta.




Sa mga larawan nga na kanyang ibinahagi, ay makikita na talagang napakaganda ng kinalabasan ng naging pag-eehersisyo niya at pagdyeta, dahil ngayon nga ay napakaganda na ng kanyang pangangatawan base nga sa kanyang naging bikini photos. Ang malaking pagbabago rin na ito kay Ehla ay nagbigay ng kumpyansa sa kanyang sarili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *