Throwback Bea Alonzo Dati Palang Reyna Ng Santolan

Mahilig sa kasiyahan ang mga Pinoy kaya naman bawat barangay sa dito sa Pilipinas ay nagdiriwang ng kani-kanilang mga kapistahan. Maliban sa mga sayaw ang umabot hanggang umaga, hindi rin mawawala ang mga beauty pageants. Sa katunayan, ginagawa na ng ibang kababaihan na propesyon ang pagiging kontesera sa mga beauty pageants. Dahil sa ganitong kultura ng mga Pinoy marami na rin tayong nag likha ng mga beauty queen na inilaban natin sa ibang bansa.




Marami na ring mga artista na naging beauty katulad na lamang ng Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach at ang Miss World 2013 na si Megan Young. Ang iba namang beauty ay naging artista pagkatapos makoronohan katulad ni Miss Universe 1969 na si Gloria Diaz na siyang kauna-unahang Pinay na kinoronahang Miss Universe.

Hindi na rin nakapagtataka kung bakit naging artista ang mga nasabing binibini. Isa sa mga katangiang hinahanap sa pagiging artista ay ang kagandahan at karisma ng isang tao. Siyempre, kinakailangan rin ng kagalingan sa pag-arte upang mas lumawak ang karanasan nito. Lingid sa ating kaalaman, marami rin palang mga babaeng artista ngayon sa showbiz na hindi natin inaakala ng mga dati palang beauty queen.

Akalain mo bang ang isa sa mga prominenteng actres ng kanyang henerasyon na si Bea Alonzo ay dating beauty queen? Si Bea Alonzo ay itinuturing na isa sa mga pinaka magagaling na aktres ng kanyang panahon. Ilang beses na ring bumida si Bea sa mga programa sa telebisyon. Maliban pa rito, ilang pelikula na rin ang kanyang ginawa. Kakaiba ang pag-arte ni Bea at talagang palaging tumatatak ang mga linyang kaniyang binibitawan.

Nito lamang ay nag-trending sa social media ang litrato na ibinahagi ni Bea Alonzo sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account. Pinost ni Bea ang litrato kung saan kinoronohan siya bilang Bb. Santolan noong taong 2001. Pumasok na naman si Bea sa showbiz nang sumunod na taon kung saan nagtuloy-tuloy na ang pamamayagpag ng kanyang karera.Talaga namang hindi na nakapagtataka na isa palang reyna dati si Bea ng Santolan!




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *