Throwback Photos Ni Angel Locsin Usap-Usapan Ngayon Sa Online Dahil Sa Kanyang Napakaganda At Maamong Mukha

Maamong Mukha Noon Pa Mang kanyang Kabataan Madalas na nga naman natin nakikita ang mga babaeng artista, na nakapustura o todo kolorete ang mukha at ayos ang buhok sa tuwing sila ay may mga show, shooting at ang ilan pa nga ay kahit nasa bahay lang ay hindi maiwasan na maglagay ng mumunting kolorete sa kanyang mukha upang sila’y mas gumanda pa sa paningin ng iba.




Ngunit ang Kapamilya Actress na si Angel Locsin, kahit walang make-up, nakalugay o ponytail man ang kanyang buhok ay mas lalong lumilitaw ang natural nitong ganda.

Image Credit via Google

Tuwing ipinapakita nga ng aktres ang simple nyang pag-aayos, paglalagay ng kolorete sa kanyang mukha at kahit hindi na niya masyadong maayos ang kanyang buhok ay marami pa rin ang mga nagsasabi kung gaano niya taglay ang natural na ganda at kaseksihan.

Image Credit via Google

Nitong nakaraan nga lamang, ibinahagi sa Facebook ng ABS-CBN Entertainment ang ilang throwback photos ni Angel Locsin, na magpapatunay na noon pa man ay taglay na ng aktres ang natural na panloob at panlabas na kagandahan.

Image Credit via Google

Pinatunayan ng mga throwback photos ng aktres na simula sanggol pa lamang siya hanggang sa magdalaga ay talaga namang makikita na ang kanyang ganda.

Image Credit via Google

Marami naman sa mga netizens at tagahanga ng aktres ang noon pa man ay nais ng malaman kung ano nga ba ang itsura ng aktres noong kabataan nito, kaya naman ngayon na lumabas na ang mga throwback photos ni Angel Locsin ay masasabi nga ng marami sa atin na walang-kupas ang ganda nito.

Image Credit via Google

Tunay nga naman na marami ang napapatingin at napapahanga sa natural na gandang taglay ng aktres, at ang mas lalo pa ngang kahanga-hanga sa kanya ay ang kabutihan at kagandahan ng puso nito.

Maliban pa nga sa hinahangaan siya ng marami dahil sa kanyang pagiging simple, sa kabila ng kanyang kasikatan ay mas bumilib pa ang marami nating kababayan sa aktres ng siya ay maging isang pilantropo na laging handang tumulong sa mga kababayan niyang nangangailangan sa gitna ng mga kalamidad.




Ilang beses na ngang napatunayan sa atin ni Angel Locsin, na ang kanyang kagandahan ay hindi lamang makikita sa panlabas niyang kaanyuan, dahil maging ang kanyang kalooban ay kasing ganda rin ng kanyang simple at maamong mukha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *