Throwback Picture Ni Jinkee Pacquiao Noong Contestant Pa Sya Ng Beauty Pageant

Maliban sa mga kompetisyon ng kantahan, karaniwang mayroong beauty pageant tuwing may pista sa mga barangay sa Pilipinas. Kaliwa’t kanan ang beauty pageants dito sa Pilipinas. Sa katunayan, ginawa na itong propesyon ng ibang kababaihan. Marami na sa mga Pinay ang nakilala sa mga international pageants katulad na lamang nina Pia Wurtzbach at Catriona Gray.




Ang iba namang aktres sa showbiz industry sa Pilipinas ay mga dati ring mga kontesera. May mga kilala ring personalidad ngayon na dati na palang lumaban sa mga pageants. Isa na rito ang asawa ng Pambansang Kamao Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao. Bagama’t hindi maipagkakaila ang ganda ni Jinkee, nakakagulat pa ring malaman na dati pa lang lumaban ng beauty pageant si Jinkee.

Nakilala si Jinkee lalo sa social media dahil sa kanyang mga kakaibang OOTDs. Maliban pa rito, isa rin siya sa mga pinakamayamang babae sa Pilipinas. Marami ang koleksyon ng mga mamahaling bags ni Jinkee. May mga alahas rin ito at mga branded na damit. Pero maliban sa isang pagiging social media influencer, naging kontesera rin pala ito.

Ibinahagi ni Jinkee Pacquiao sa 1 million followers niya sa kaniyang Instagram account ang isang throwback na litrato niya noong 1996. Makikita sa litrato ang grupo ng mga babaeng nakaupo sa gilid ng pool habang nakasuot ng one piece na bikini. Ayon kay Jinkee, ito raw ang mga panahong lumaban siya ng Binibining Heneral Santos noong 1996. Hinamon naman ni Jinkee ang kanyang mga followers na hanapin nila si Mrs Pacquiao sa litrato.

Hindi naman mahirap hanapin si Jinkee dahil talagang nangibabaw siya sa litrato. Siya ang pang-walong babae mula sa kaliwa. Bagama’t lima na ang anak ngayon, tila kaunti lamang ang pinagbago ng kanyang mukha kumpara ng lumaban siya sa contest. Hindi naman talaga natin maipagkakaila na talagang hanggang ngayon walang kupas ang ganda ng asawa ng Pambansang Kamao.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *