TikTok Video Nina Wynwyn Marquez, Jackie Lou Blanco At Mahal Viral Agad At Umabot Na Sa Limang Milyong Manonood Agad

PATOK at talaga namang KINAALIWAN ng mga netizens, ang TikTok video ni Wynwyn Marquez na #TheDanceChallenge, kung saan ay mapapanood na kasama niya na sumayaw dito ang kanyang mga co-star sa malapit ng umeere na “Owe My Love” series, at ito nga ay sina Jackie Lou Blanco at Mahal.




“Superb” talaga ang naging aliw na ibinigay sa mga manonood ng TikTok video na ito ng mga cast ng upcoming series na “Owe My Love”, dahil sa loob lamang ng isang araw ay humakot na ito ng mahigit sa 5-milyong views, at ito ay talaga namang ikinagulat at ikinatuwa nila Wynwyn.

Image Credit via Youtube

Ayon nga sa beauty queen actress , sa pumatok nilang #TheDanceChallenge na ito, ay ang kanyang co-star na si Mahal talaga ang nagdala, kung saan ito ay kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram stories.

Image Credit via Youtube

“Si ate Mahal lang talaga ang malakas! Back-up lang kaming 2 ni tita @jackilou.blanco.”
Samantala, sa kabila ng ongoing lock-in taping ngayon nina Wynwyn Marquez, para sa show na “Owe My Love”, ay makikita naman sa kanilang ibinahaging video, na super enjoy sila kapag nasa break-time sila.

Image Credit via Youtube

Ang “Owe My Love” ay isang upcoming GMA Public affair romantic-comedy series, na
pagbibidahan ng aktres na si Lovie Poe, at aktor na si Benjamin Alves. Ito ay isa naman nga sa mga magiging kaabang-abang na palabas ng Kapuso Network.

Image Credit via Youtube

Sa seryeng ito ay gaganap bilang si Trixie Gibbs, ang beauty queen actress na si Wynwyn Marquez, kung saan siya ang magiging ka-love triangle nina Lovie, bilang si Sensen at Benjamin na gaganap naman bilang si Doc Migs.

Image Credit via Youtube

Bilang stepmother naman ni Doc Migs, na si Divina Alcancia ang gagampanan na karakter ni Jackilou Blanco, at si Mahal naman ang kanyang magiging small but terrible sidekick sa nasabing serye na tatawagin bilang si Mini Divi.

Maliban pa nga sa “Owe My Love”, ay mayroon pa ngang upcoming series ang Kapuso Network, at ito ay ang “Ang Dalawang Ikaw”, kung saan ay pagbibidahan naman ito ng aktor na si Ken Chan.

Video Credit/ YouTube

Sa seryeng ito, ay kakaiba at challenging ang karakter na gagampanan ni Ken, kung saan ay kinakailangan niya pang sumabak sa fire-arm training, upang paghandaan ang kanyang magiging karakter sa nasabing serye, at ito nga ay ang pagiging si Nelson.




Ilan naman sa mga makakasama ni Ken sa seryeng ito, ay sina Anna Vicente, Domonic Rocco, Jake Vargas, Joana Marie Tanat Jeremy Sabido

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *