Tila Kambal Sa Mag-Kaibang Panahon Ang Mga Celebrities Na Ito Dahil Sa Kanilang Pagkakahawig

Minsan nagtataka tayo na tila may mga ilang tao na nagsasabi sa atin na kahawig natin si ganito o si ganoon kahit hindi naman kayo related sa isa’t -isa. Siguro sadya nga talagang may mga taong nakakahawig natin, kahit pa nga ang iba sa kanila ay mga matatanda na o isinilang pa noong mga panahong hindi pa tayo isinilang.




Tulad na lamang ng ilang mga artista na nahahawig sa ilan pang kilalang artista rin noon, kung saan ay pareho silang ipinanganak sa magka-ibang taon o panahon.
Narito ang ilan sa mga artistang tila kambal sa magka-ibang panahon;

Maine Mendoza at Pops Fernandez

Image Credit via Google

Tila nga naman magkahawig sina Phenomenal Star Maine Mendoza sa Concert Queen na si Pops Fernandez. Makikita sa larawan ni Maine ang tila Pops Fernandez version noong kabataan nito.

Mikee Quintos at Antoinette Taus

Image Credit via Google

Dahil naman sa sobrang pagkakahawig ni Antoinette Taus kay Mikee Quintos, may mga pagkakataon nga daw na itinatag siya sa mga photos nito.

Shaira Diaz at Dawn Zulueta

Image Credit via Google

Hindi naman napigilan ni Shaira Diaz, ang kiligin ng makapagpapicture siya sa kanyang iniidolong si Dawn Zulueta. Makikita rin sa larawan ang pagkakahawig nilang dalawa.

Janine Gutierrez at Pilita Corrales

Image Credit via Google

Sa larawan naman ni Pilita Corrales noong bata pa ito, at talagang makikita ang pagkakahawig nila ni Janine Gutierrez.

Gabby Garcia at Joyce Jimenez

Image Credit via Google

Maikukumpara naman minsan si Gabbi Garcia sa 90’s Star na si Joyce Jimenez dahil sa hawig niya rito. Kung titignan ang bahaging ilong , pisngi at mata nilang dalawa ay para nga naman si Gabi ay si Joyce at si Joyce ay si Gabi.

Taki Saito at Camille Prats

Image Credit via Google

“Mine Me” version naman ng dating child star actress na si Camille Prats si Taki Saito. Sa larawan ng dalawa ay makikita ang ilang ang gulo ng tila isang tao lamang silang dalawa.




Kung titingnan nga natin ang larawan ng bawat isa, ay talaga nga naman na masasabi nating tila sila iisang tao lamang o di naman kaya ay kambal dahil sa pagkakahawig ng mga ito. Mula sa ilang parte ng kanilang mga mukha o mga anggulo nito ay talaga namang masasabi natin na magkahawig na magkahawig sila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *