Tinaguriang “Badjao Girl” Na Si Rita Gaviola Ano Na Nga Ba Ang Buhay Ngayon

Naaalala niyo pa ba si Rita Gaviola? Isa sa mga nag trending noong 2016 sa social media, at tinaguriang “Badjao Girl” dahil sa pagkakaroon niya ng agaw pansin na ganda.




Dahil sa naka-agaw siya ng pansin sa mga social media users, nabigyan ng pagkakataon ang batang “Badjao Girl” noon na mapasok ang industriya ng showbiz. Nasabak siya sa modeling, acting at reality shows.

Image Credit via Google

Matatandaan nga naman natin na batang-bata pa si Rita Gaviola noong siya ay nag trending sa internet. Ayon sa ilang ulat, 13-taong gulang lamang si “Badjao Girl” ng siya ay makunan ng larawan ng isang photographer na si Topher Quinto Burgos, ng ito ay dumayo sa Pahiyas Festival ng Lucban noong Mayo 2016.

Image Credit via Google

Mula nga sa mga larawang kuha ni Topher, na kung saan ay ipinakita nito ang angking ganda ni Rita ay hindi maiiwasan na mag trending ito online at dito nga siya tinagurian bilang “the Beautiful Badjao Girl.” Hindi napigilan ng mga netizens na humanga sa natural na ganda na taglay ni Rita, maging ang kanyang model-like physique nito at striking features ay hinangaan din sa dalaga.

Image Credit via Google

Para sa kaalaman ng marami, mula si Rita sa pamilya na kung saan ay nabibilang sa isang indigenous tribe o tribo at ito nga ay ang mga Badjao.

Image Credit via Google

Dahil nga galing sa isang tribu, masasabi natin na mahirap ang pamumuhay ng pamilya ni Badjao girl. Ayon nga sa isa nating source, bata pa lamang si Rita ng ang kanilang pamilya mula sa Zamboanga ay lumipat patungo sa Lucena.

Image Credit via Google

Dito kumikita ang kanyang ama bilang isang kolektor ng mga basura, samantalang nasa bahay lamang ang kanyang ina upang mag-alaga sa mga kapatid niya.

Image Credit via Google

Upang makatulong nga sa kanyang pamilya, nagawa ni Rita noon ang namamalimos sa kalye dahil nga sa hirap ng buhay.

Image Credit via Google

Hindi nga lamang mga ordinaryong tao o mga netizens ang nakakuha ng atensyon ng mga larawan ni Rita na nag trending sa social media, dahil maging mga kilalang personalidad tulad ng mga artista at beauty queen ay humanga din sa ganda ng dalaga.

Image Credit via Google

Ilan nga sa mga beauty queen na humanga kay Rita, at nagpaabot ng tulong sa kanya upang madevelop pa ang kanyang potensyal ay sina Miss World Philippines 2015 Hillarie Danielle Parungao, Miss International Philippines 2014 Bianca Guidotti at si Miss earth 2015 Angelia Ong.

Unang nakipagsapalaran si Rita sa showbiz ng mapabilang siya sa mga kalahok sa isang reality show ng ABS-CBN, kung saan sa kanyang edad n 13-taong gulang ay siya ang pinakabatang kalahok dito.

Nakipagsapalaran din siya sa pag modelo, kahit pa nga ba batang-bata pa siya ng mga panahong iyon dahil nais niya umanong tulungan ang kanyang mga magulang at mabigyan ang kanyang pamilya ng maganda at maayos na bahay at pamumuhay.

Dahil nga sa kanyang pagpupursige, nagawang makapag-ipon ng dalaga na ginamit niya sa pagpapaayos ng kanilang tahanan. Maliban pa nga sa kanyang ipon, nakatanggap rin siya ng tulong sa isang fan na naka-base sa US na si Grace Kreutzer.

Hindi nga lamang maganda sa panlabas na kaanyuan ang nasabing dalaga, dahil maging ang kalooban nito ay masasabi nating nagtataglay ng kalinisan at kabutihan, sapagkat hindi niya nakalimutang magpasalamat sa mga taong tumulong sa kanya upang matupad ang ilan sa kanyang mga pangarap.

Sa kanyang Youtube channel, nagbahagi si Rita ng isang video tour ng kanilang bagong ayos na bahay at dito nga ay personal niyang pinasalamatan si Grace na isa sa mga tumulong sa kanya.

“Thank you Mommy Grace, sa pagpapa-ayos po ng bahay namin, may C.R na din po kami.”
Muli ring nagbalik paaralan si Rita, upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral, ito ay ayon sa update niya sa kanyang Instagram.

At dahil naman sa ilang mga upload photos ng dalaga na kasama ang bagong aktor na si Gelo Angelo Marquez, ay may ilang na inililink sila sa isa’t-isa. Ngunit ano nga kaya ang mayroon silang dalawa?

Masasabi rin natin na kahit pa ng aba isa na siya sa mga sumisikat na aktres ngayon sa industriya, ay hindi pa rin nakakalimot ang dalaga kung saan siya nagmula. Pinatunayan niya ito, ng muli siyang mag-viral ng mga suot siya ng isang cultural outfit sa isang photoshoot.

Matatandaan rin na noong nagdiwang ang dalaga ng kanyang ika-14 na kaarawan, ay lumutang lalo ang kanyang ganda at talaga namang napaka-elegante na niyang tignan.
Sa ngayon ang kanyang pag-aaral at pagtulong sa kanyang pamilya ang focus ni Rita.




Kung kayo ay nakapanood naman ng serye ng GMA na Sahaya, malamang sa malamang ay nakita niyo sa seryeng ito si Rita, dahil may ginampanan siya dito na maikling role at iyon ay bilang si Miriam isa sa mga kaeskwela ni Sahaya.

Ayon rin sa isang artikulo, nakita ang aktres na nag-audition sa upcoming season ng GMA Network ‘s artista reality search na Stars Struck.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *